4 barangay sa Dipolog City, nalubog sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 barangay sa Dipolog City, nalubog sa baha

4 barangay sa Dipolog City, nalubog sa baha

Maria Cecilia Butardo,

ABS-CBN News

Clipboard

Binaha ang apat na barangay sa Dipolog City dahil sa patuloy na pag-uulan dulot ng umiiral intertropical convergence zone o ITCZ. Larawan mula kay Zorayda Mustaril

DIPOLOG CITY – Apat na barangay sa lungsod na ito ang nasalanta ng pagbaha dahil sa walang tigil na pag-uulan.

Apektado ng pagbaha ang 89 pamilya sa mga barangay ng Sta. Isabel, Turno at Lugdungan. Wala pang detalye ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kung ilang pamilya ang apektado rin ng pagbaha sa Barangay Sta. Filomena.

Sa Barangay Turno, tinatayang nasa 45-pulgada ang lalim ng baha habang 26-pulgada naman sa Lugdungan, at 10 hanggang 13 pulgada sa Sta Isabel.

Sa kasalukuyan, nasa evacuation centers na ang mga apektadong residente.

ADVERTISEMENT

Ang mga binahang barangay ay kabilang sa low-lying areas at malapit sa Dipolog River na ngayo'y nasa red level na, hudyat ito ng preemptive evacuation.

Simula pa noong Sabado ay nararanasan sa lungsod ang pag-ulan na sanhi ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.

Wala nang pag-ulan pero makulimlim pa rin sa lungsod.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.