Dumating na sa Tacloban DZR Airport ang mga labi ni Jun Villamor na siya umanong middleman sa pagpaslang kay Percival "Percy Lapid" Mabasa.
Dakong alas 6:48 ng gabi ng Sabado lumapag ang eroplanong lulan ni Villamor.
Nakaabang na kanya sa airport ang isang lokal na punerarya sa Leyte.
Si Villamor ang sinasabing isa sa mga middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Mabasa noong Oktubre 3.
Si Villamor ay isang bilanggo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Namatay siya noong Oktubre 18, makalipas lamang ang ilang oras nang iprisinta sa media ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.
Ayon sa kanyang pamilya, magkakaroon umano ng tatlong araw na burol para kay Villamor. - Sharon Evite
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.