Mga preso sa Surigao, nag-donate ng 30 sakong bigas para sa mga nasalanta ng lindol

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 08:44 PM

Kuha ng Surigao City Jail

SURIGAO CITY - Aabot sa 600 na preso ng Surigao City Jail ang nagbigay ng 30 sakong bigas na pangkunsumo sana nila, para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cotabato province at Davao Del Sur.

Katumbas ito sa tatlong araw na meal allowance nila. Ginagawa nila umano ito para makatulong sa mga residente na tinamaan ng lindol. 

Ipinadala ang donasyon nilang bigas sa Philippine Coast Guard sa Surigao Del Norte na siyang magdadala nito sa mga apektadong mga residente.

Nagpadala na din ng tulong ang Department of Social Welfare and Development-Caraga sa Soccsksargen.

Aabot sa 2,000 family food packs na ang naipadala. Namigay din sila ng family kits kagaya ng hygiene kits, mosquito nets, blankets, plastic mats, at mga trapal. 

Mayroon ding ibinigay na kitchen kits para ipamahagi sa mga pamilyang apektado ng lindol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.