15 bahay nasunog sa Bacolod; faulty wiring posibleng dahilan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

15 bahay nasunog sa Bacolod; faulty wiring posibleng dahilan

15 bahay nasunog sa Bacolod; faulty wiring posibleng dahilan

Mark Gabriel Salanga,

ABS-CBN News

Clipboard

Maaaring sa damaged electrical wire nagsimula ang sunog sa Barangay Mansilingan, lungsod ng Bacolod, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Nasunog ang 15 bahay sa Barangay Mansilingan, lungsod ng Bacolod ngayong Sabado.

Labindalawang bahay ang idineklarang totally destroyed habang tatlo naman ang partially damaged, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na posibleng nagsimula sa damaged electrical wire ang sunog.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, wala umanong sariling kuntador ang mga residente kaya illegal tapping ang kanilang ginagawa.

ADVERTISEMENT

Humigit kumulang P300,000 ang danyos ng sunog, ayon sa BFP.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.