Art exhibit binuksan ng PH Embassy Syria | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Art exhibit binuksan ng PH Embassy Syria

TFC News
Published Nov 04, 2022 06:42 PM PHT

DAMASCUS - Kasabay ng pagdiriwang ng Museums and Galleries Month (MGM), binuksan ng Philippine Embassy sa Damascus sa pakikipagtulungan sa Syrian Ministry of Culture at Cultural Center of Abu Rummaneh ang limang araw na art exhibit na pinamagatang ‘Colors of Healing and Hope,’ noong October 16, 2022 sa Cultural Center ng Abu Rummaneh sa Damascus.

Maituturing ang event na pinakamalaking art exhibition na inorganisa ng Philippine Embassy sa Syria. Nagsilbi rin itong art therapy workshop para sa okasyon ng World Mental Health Day 2022 para sa mga Pilipino at international community.

Labing-isang bansa ang sumali sa exhibit na nagtagal hanggang October 20, 2022 bilang grand finale ng paglahok ng embahada sa MGM 2022.

Bumida sa exhibit ang mga obra ng mga amateur artists mula iba-ibang bansa at organisasyon, kasama ang Filipino Community sa Syria.

May 60 mixed-media paintings na may iba-ibang istilo, anyo, hugis at media ang ginamit. Ang mixed-media art ay isang visual art form na pinagsama-sama ang iba-ibang media tulad ng pintura, ink, colored pencil at watercolor sa iisang artwork.

Sa kanyang talumpati, ipinaliwanag ni Chargé d’Affaires Vida Soraya Verzosa ang tema ng MGM 2022. Layon ng art exhibit at therapy na maipakita sa mga dumalo na sa kabila ng matitinding problemang kinakaharap ng Pilipinas at Syria ay hindi nawawala ang pag-asa, paghilum at pagkakaisa.

May nagaganap na civil war sa Syria at may problemang pang-ekonomiya naman ang Pilipinas. May humigit kumulang na 300 Pinay kasambahay pa ang nanatili sa Syria sa kabila ng labor deployment ban ng Philippine government na umiiral mula pa noong 2011.

Ibinalita rin ni Verzosa ang kasunduang pinirmahan ng Pilipinas at Syria sa larangan ng kultura, ekonomiya, turismo, at micro, small, at medium enterprises.

Isa ang art exhibition sa mga programang nailatag ng nasabing bilateral cultural agreement.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Syria, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT