Ilang GrabFood bikers nanawagan ng 'mas patas' na distribusyon ng bookings | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang GrabFood bikers nanawagan ng 'mas patas' na distribusyon ng bookings

ABS-CBN News
Published Nov 04, 2020 05:14 PM PHT

MAYNILA — Nagtipon-tipon ang mga GrabFood delivery bikers nitong Miyerkoles sa harap mismo ng main office ng naturang kompanya sa Makati City para ireklamo ang anila'y di patas na booking scheme.

Bitbit nila ang mga placard kung saan nakalista ang kanilang mga panawagang patas na distribution ng booking at maayos na sistema ng Grab.

Ayon sa mga biker, 2 linggo na halos isa hanggang dalawang booking na lang sa maghapon ang kanilang natatanggap.

Kaya ang resulta, ang dating mahigit P1,000 nilang kita sa maghapon, ngayon ay wala pang P200 ang naiuuwi nila sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT
Giit ng mga nagrereklamong food delivery biker, hindi naman protesta ang ginawa nila kundi nais lang nilang magkaroon ng dayalogo at pakinggan sila ng Grab.

Nag-email na anila sila sa Grab ngunit computer-generated message na sagot lang ang kanilang nakukuha.

Hiningan ng ABS-CBN ng pahayag ang pamunuan ng Grab ngunit hindi pa sila sumasagot hanggang ngayon.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT