Antique gov nanawagan ng tulong matapos ma-isolate ang probinsya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Antique gov nanawagan ng tulong matapos ma-isolate ang probinsya

ABS-CBN News
Published Nov 03, 2022 12:24 PM PHT
|
Updated Nov 03, 2022 01:20 PM PHT

Nanawagan ngayong Huwebes ng tulong si Antique Governor Rhodora Cadiao matapos mahiwalay ang kanilang probinsiya sa mga karatig-lalawigan bunsod ng Bagyong Paeng.

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Cadiao na naputol ang mga tulay na nagdudugtong sa Antique sa Iloilo, gayundin ang tulay sa norte na kumokonekta sa Aklan.

Dahil dito, hirap sa supply ng pangunahing produkto, tulad ng krudo at oxygen tanks para sa mga ospital.

"There was a state of panic... Kahapon nagpila ang mga tao sa gasoline stations but I assured them na hindi tayo kinukulang ng gasolina, mayroon pa tayo," ani Cadiao.

ADVERTISEMENT
"We are trying to reach the Office of the Civil Defense or we are going to rent a barge," sabi ng gobernador.

Kailangan ding sumakay ng maliliit na bangka bago marating ang ilang bayan sa Antique matapos bumagsak noong Sabado ang Paliwan Bridge dahil sa Paeng, ayon kay Laua-an Mayor Aser Baladjay.

Ang nasabing tulay ang nagdudugtong sa iba't ibang bayan papunta sa Bugasong, na dadaanan naman papunta sa provincial capital na San Jose de Buenavista.

Ayon kay Baladjay, 26 metro ang haba ng naputol na tulay.

Umabot na umano sa P111 milyon ang halaga ng pinsala ng Paeng sa imprastruktura sa Laua-an pero hindi pa napupuntahan ang ilang barangay sa bundok na nakaranas ng landslides dahil sa hirap ng daan.

Nababahala rin si Baladjay sa pagtawid ng mga tao sa ilog at nakiusap siyang hintayin ang mga bangka mula sa lokal na pamahalaan ng Laua-an at Bugasong.

Dalawa na aniya ang namatay at 2 ang nawawala dahil nagpumilit na tumawid kahit malakas ang ragasa ng tubig sa ilog.

"Problema namin dito ngayon ay ang mga locally stranded individuals natin. Naghahanap kami ng paraan kung paano namin gawin. Kaso lang 'yong ibang mga kababayan natin, ayaw magpaawat na wag muna silang tatawid," ani Baladjay.