BuCor OIC paiigtingin ang intel sa Bilibid | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BuCor OIC paiigtingin ang intel sa Bilibid

BuCor OIC paiigtingin ang intel sa Bilibid

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Paiigtingin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang intelligence monitoring nito sa loob ng mga bilangguan, isang araw matapos makuha mula sa mga preso sa Bilibid ang nasa 12,000 kontrabandong mga bagay, kabilang na ang illegal na droga, cellphone, armas, at 7,500 lata ng beer.

“Paiigtingin ko yung aking intelligence at sinabihan ko po yung aking mga commander, eh one strike policy po kayo,” ani BuCor OIC Gregorio Pio Catapang.

“Kasi 'wag niyo akong pilitin na ako pa mga-iinspeksyon diyan sa kubol. Kasi pag nag-inspect ako, eh mananagot kayo kung bakit napapabayaan.”

Ayon kay Catapang, lalong humahaba ang sentensiya o pagkakakulong ng isang inmate na mahuhulihan ng kontrabando.

ADVERTISEMENT

“Baka hindi na sila makalaya, eh yun pa naman ang program natin,” aniya.

Itinalaga bilang OIC ng BuCor si Catapang habang suspendido si BuCor chief Gerald Bantag dahil sa imbestigasyon sa pagkamatay ng inmate na si Jun Villamor.

Si Villamor ay isa sa mga tinuturong “middleman” sa pagpatay sa mamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong Oktubre 3.

Namatay si Villamor sa piitan ilang oras matapos siya ituro ng umano’y bumaril kay Lapid na si Joel Escorial noong Oktubre 18.

Ayon sa isang autopsy, suffocation gamit ang isang plastic bag ang ikinamatay ni Villamor.

--TeleRadyo, 3 Nobyembre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.