MRT, LRT at PNR, mas mataas na ang papayagang mga pasahero simula Nob. 4 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MRT, LRT at PNR, mas mataas na ang papayagang mga pasahero simula Nob. 4

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Nov 03, 2021 10:34 PM PHT

MAYNILA - Mas maraming pasahero na ang papayagang makasakay sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR), Metro Rail Transit (MRT) at Manila Light Rail Transit (LRT) simula Huwebes, Nobyembre 4.

Kumpiyansa ang pamunuan ng Department of Transportation na hindi magiging rason ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ang pagtataas ng seating capacity ng kanilang mga pasahero sa mga train sa 70 porsyento.

Sabi ni Assistant Secretary Eymard Eje, OIC-General Manager ng MRT-3, base sa mga pag-aaral, maliit lamang ang tsansa na magkahawahan ang mga pasahero sa mga train kahit pa taasan ang kapasidad nito.

"Sa amin sa rail sector ay nakakalap ng mga katibayan na ligtas pa rin po ang ating mga pasahero sa rails sa kabila ng MRT, LRT at PNR, mas mataas na ang papayagang mga pasahero simula Nob. 4 kahit taasan natin ang capacity ng ating mga pasahero. Base sa aming nakalap, meron lamang 0.2 percent na hawaan sa Germany na nakaugnay sa public transport at meron lamang 1.2% na COVID-19 cluster na nakalink sa transport with regards to land, air and sea transport at meron lang din pong 0.01 % ang tsansa na mahawa tayo ng covid sa loob ng public transport at ito po ay lalo pang napapababa kapag meron tayong minimum health protocols.," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT
Dahil dito, ang dating 30 porsyento lamang na pinapayagang dami ng mga pasahero sa MRT sa kada train set nito o 374 lamang ngayon ay magiging hanggang 827 na simula bukas.

Para naman sa LRT-1 ang kasalakuyang 337 na pasahero para sa kada set ng first generation ng train ay magiging 745 na bukas.

Ang mga train set ng LRT-2 ay kakayanin nang magsakay simula bukas ng hanggang 1,140 mula sa dating 488 lamang.

Sa PNR, itataas na sa 667 per train set ang pasahero bukas.

Mahigpit pa rin ang paalala ng DOTr sa mga pasahero na sundin ang minimum health protocols sa mga public transportation at bawal pa rin ang paggamit ng cellphone o pag-uusap ng mga pasahero.

Nanindigan naman ang pamunuan ng DOTr na mayroong pag-aaral ang kagawaran sa desisyon nitong itaas sa 70 porsyento ang kapasidad ng mga public transportation sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na pandemiya.

Sabi ni DOTr Asec. Goddes Hope Libiran, may apat na bagay na ikinonsidera ang kagawaran bago sila nakapagdesisyon patungkol dito.

Kabilang aniya dito ang mga pag-aaral sa ibang mga karatig bansa na nagsasabing hindi ang public transport capacity ang nagiging dahilan ng pagtaas ng COVID-19 cases.

"Metro Manila is now under alert level 3 which resulted [in] greater demand to public transport. Ibig sabihin, kapag mas maraming business yung nag-oopen mas kailangan yung public transport supply ay magko-compensate doon sa actual demand. DOTr has conducted rapid analysis of available data on COVID-19 cases. Merong 7-day average cases per 1 million population and public capacity which covered 10 countries such as the Philippines, Indonesia, Thailand, Japan, Taiwan, Singapore, China, Australia, Vietnam and Malaysia…it was found out that public transport capacity has no significant correlation with the number of COVID-19 cases," paliwanag niya.

Dagdag pa ni Libiran, kasama sa mga naging konsiderasyon ay ang mataas na vaccination rate dito sa Metro Manila na umaabot na sa 82 porsyento ng target population.

Pinag-aaralan na rin ng DOTr ang panuntunan sa mga motorcycle taxi at ang paggamit ng plastic shield.

Sabi ni Asec. Steven Pastor, hindi pa talaga nakasama sa resolusyon ng IATF ang guidelines sa mga motorcycle taxi.

"Ito pong imposition ng barrier sa motorcycle taxi ay naayon sa mandato ng national task force kung kaya’t ito pong direktiba sa increase ng 70% seating capacity ay hindi po natin isinama ang motorcycle taxi," ani Pastor

Sabi pa ni Pastor, pag-aaralan din ng DOTr ang magiging resulta ng increase capacity sa mga public transport sa loob ng isang buwan at matapos nito ay posibleng magkaroon na rin ng rekomendasyon na itaas pa sa 100 porsyento ang seating capacity sa public transporatation kung magiging maganda ang resulta ng pilot implementation nito sa National Capital Region at ilang karatig na probinsya.

Samantala, nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra III na hindi pa talaga kasama sa mga pinapayagang magtaas na passenger capacity ang mga TNVS at taxi.

"Yung mga taxi at TNVS are not considered route-based public transport kaya wala silang ruta na tinatahak. Pinapayagan na po sila hanggang tatluhan po. In so far as the question on increasing the number of taxi and TNVS, meron pong plano sa pagtataas ng mga numero ang mga TNVS at taxi, nagbukas po tayo ng halos about 5,000 taxi units dito sa kamaynilaan, however kakaunti lang po yung mga takers…kasama na sa bilang na ito ang 3,000 that we have introduced the premium taxi. Meron po tayong silver at gold version, ganon din po matumal yung uptake nitong mga premium taxi na ito," aniya.

Sabi ni Delgra, nagpapatuloy pa ang perfomance review ng mga kasalakuyang Transport Network Corporation o TNCs na inaasahang magkakaroon ng anunsyo sa susunod na isa o dalawang linggo.