PatrolPH

Higit 100 bahay nasunog sa GenSan; nasa 1,000 pamilya apektado

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2021 11:47 PM

Higit 100 na bahay sa isang coastal area sa General Santos City ang natupok nitong Miyerkoles ng hapon. Kuha ni Mark John Ambat
Higit 100 na bahay sa isang coastal area sa General Santos City ang natupok nitong Miyerkoles ng hapon. Kuha ni Mark John Ambat

Nilamon ng apoy ang higit 100 na kabahayan sa isang coastal area sa General Santos City nitong Miyerkoles ng hapon.

Nagsimula ang pagsiklab pasado ala-una ng hapon sa Purok Saeg, Brgy. Calumpang. Halos apat na oras bago tuluyang nagdeklara ng fire out ang General Santos Fire Station.

Base sa inisyal na pagtaya ng city social welfare and development office, higit kumulang 1,025 pamilya ang apektado sa naturang sunog.

Maaari pang tumaas umano ang bilang dahil ang ibang bahay ay may higit sa isang pamilyang nakatira.

Isa din ang naiulat na nasaktan sa insidente.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon sa posibleng pinagmulan ng apoy. 

Pansamantalang nasa Calumpang Gym ngayon ang mga apektadong pamilya. Nananawagan sila ng tulong lalo na sa gitna pa ng pandemya ang insidente. 

Pangunahing pangangailangan nila ay mga bedding, health and sanitary kit, pagkain, tubig, mga gamot at bitamina.

—Ulat ni Chat Ansagay

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.