Suspek sa basag-kotse sa sementeryo sa Taguig arestado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa basag-kotse sa sementeryo sa Taguig arestado

Suspek sa basag-kotse sa sementeryo sa Taguig arestado

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 02, 2023 12:03 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Inaresto ng mga pulis ang suspek sa basag-kotse sa isang sementeryo sa Taguig City ngayong Undas.

Nag-park ang biktima sa Dahlia Street sa Barangay Ususana nitong hapon ng Miyerkoles, Nobyembre 1. Bibisitahin niya kasi ang yumaong kaanak.

Iniwan niya ang laptop at backpack sa loob ng kaniyang silver na sedan. Pero makalipas ang halos 3 oras, nadiskubre niyang nawawala ang laptop at backpack. Basag rin ang kaliwang side window ng kotse.

Sa tulong ng CCTV at backtracking ng Taguig Police Sub-Station 4, nahuli ang suspek sa kaniyang bahay sa Pateros kinagabihan rin nitong Miyerkoles.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pa umano ng suspek na magtago sa CR ng second floor ng bahay pero nahuli rin siya.

"Nabuksan naman din agad noong tropa natin 'yung pinto, hindi naman by force, hindi naman naka-lock 'yung pinto, parang wala lang kunwari. Hindi niya nakitang may pulis pala na kumatok sa bahay," ani Captain Jefferson Sinfuego, station commander ng Taguig Sub-Station 4.

Ayon sa biktima, nakapagpalit ng passwords ang kaniyang asawa matapos ang pagnanakaw.

"Since worried talaga kami about that, noong hinatid po ako dito sa police station ako na po nakipagusap siya naman po umuwi sa bahay tapos in-access po niya 'yung computer namin sa bahay. Pinalitan niya lahat ng password ng mga accounts niya para sigurado lang for security," sabi ng biktima.

Naibalik rin sa biktima ang laptop at backpack mula sa suspek.

"Pasensya na po talaga, gutom lang talaga wala akong trabaho kaya ko po nagawa 'to. Opo, mali po talaga 'yung ginawa ko. Patawad na lang po talaga kasi asawa ko may sakit sa puso," sabi ng suspek, na haharap sa kasong robbery.

Nakadetene siya sa Taguig Custodial Facility.

— Ulat ni Champ de Lunas, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.