Pinoy talents sa Barcelona, bumida sa 'The Lost Cat' opera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy talents sa Barcelona, bumida sa 'The Lost Cat' opera

Pinoy talents sa Barcelona, bumida sa 'The Lost Cat' opera

TFC News

Clipboard

BARCELONA - Bumibida ang Pinoy talent hindi lang sa larangan ng musika kundi sa pagkanta rin sa isang opera nitong October 7. Pinamagatang “La Gata Perduda” (The Lost Cat) ang opera na tungkol sa El Raval, ang lugar sa Barcelona na kung saan marami ang Pilipino ang nakatira.

Poster

Ibinida sa opera, na itinanghal sa prestihiyosong Grand Theater Liceu, ang kasaysayan, kultura, pagpapahalaga at ang taong tumira sa El Raval kung saan may malaking konsentrasyon ng mga migrante mula sa iba-ibang bansa.

Lost cat
Photo courtesy of Dianne Ico

Umikot sa nawawalang pusa o ‘lost cat’ ang istorya ng opera na pinagbidahan ni Dianne Ico, isang second-generation Pinay artist na ipinanganak at lumaki sa Barcelona.

“The Filipino community was very supportive when they found out I was going to play the lost cat. Everyone was so proud of me representing the community and I’m very grateful for all the support they’ve given me throughout the whole process of rehearsals up to the end of the show,” wika ni Dianne Ico.

ADVERTISEMENT

Pusang nawawala
Dianne Ico bilang ‘The Lost Cat.’ (Photo courtesy of Dianne Ico)

Naging finalist siya ng TV show na Got Talent España at naging bahagi rin ng musicals tulad ng Fame at The Lion King sa Espanya bilang bahagi ng main cast.

Ang 42-miyembro ng Coro Kudyapi, isang Filipino Choir sa Barcelona ang tumayong mga mamamayan ng El Raval sa opera.

Opera sa Barcelona
Si Consul General Maria Theresa S.M. Lazaro kasama si Administrative Officer Rosanna Sumala, Cultural Officer Bernardo Bagalay, mga miyembro ng Coro Kudyapi choir at si Director Dr. Arnel Germán.

Nalibot na ng Coro Kudyapi ang Espanya at iba pang bahagi ng Europa. Binubuo ang choir ng 2nd at 3rd generation Pinoys na may edad mula anim hanggang 21-taong gulang.

Sinuportahan ng Philippine Consulate General sa Barcelona sa pamumuno ni Consul General Maria Theresa S.M. Lazaro, Rosanna Sumala, at Bernardo Bagalay nang dinalawa nila ang Pinoy performers sa backstage bago at matapos ang kanilang performance.

Magkahalong pananabik, kaba at puno ng emosyon ang Pinoy performers dahil napuno ang Liceu ng mahigit dalawang libong manonood.

“Ms. Ico is confident that this role will definitely open more doors for her and other Filipinos to proudly represent the Filipino community in Barcelona,” sabi ni Camille Rose Tabuno Cabiles ng Coro Kudyapi.

“It was a lot of hard work and commitment for us but we persevered because we know we are representing not just the Filipino community but our beloved Philippines,” sabi naman ni Seira Gail Mercado ng Coro Kudyapi.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.