TINGNAN: Makukulay na kabaong sa 1st Ataol Festival | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Makukulay na kabaong sa 1st Ataol Festival

TINGNAN: Makukulay na kabaong sa 1st Ataol Festival

Gracie Rutao,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 01, 2018 11:56 AM PHT

Clipboard

Bumida sa kauna-unang parada ng Ataol Festival ang makukulay na kabaong produkto ng Pampanga. Mayroong mga kabaong may disenyong Mickey Mouse, Hello Kitty at sports car inspired din.

STO. TOMAS, Pampanga – Umarangkada ang mga makukulay na kabaong produkto ng bayan ng Sto. Tomas na tinaguriang “Casket Capital of the Philippines”.

Higit 60 porsyento ng mga taga Barangay San Vicente ang umaasa sa paggawa ng kabaong kung saan 70-80 porsyento ng produksiyon ng ataol sa bansa ay galing sa bayang ito.

“Ito po ang number 1 na source ng aming livelihood at source of income. Dito sa ating bayan ngayon nagpo-produce ng more than 2,000 caskets a day,” ayon kay Sto. Tomas Mayor John Sambo.

Sa parada ngayong Todos los Santos sa pinakaunang Ataol Festival, ipinakita ang mga ipinagmamalaking kabaong ng mga taga Sto. Tomas.

ADVERTISEMENT

May mga kabaong may zombies, mga aswang at lamang lupa. Mayroon ding “Under the Sea” ang peg. Mayroon kabaong na may sound system, pang Mickey Mouse, Hello Kitty, at sports car inspired theme pa.

“Masaya naman, kasi ngayon pa lang nangyari dito iyan,” ayon kay Boy Cayanan.

Mula sa parada, may pa-contest ng pinakamagandang funeral set-up, may all white and black na may blood foundation pa, taga nayon na farming ang disensyo, may pang tila birthday ang ginawa with cartoon characters at iba pa.

“Ang objective natin dito is to unite all the makers of Pampanga at sabay-sabay na ipakilala sa Pilipinas. Dito po united tayo,” paliwanag ng organizer na si Hazel Villamayor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.