TFC News

TINGNAN: Mga obra ng Pinoy artist, tampok sa Paris art exhibit

Cory de Jesus | TFC News France

Posted at Oct 31 2022 05:26 PM

PARIS - Mga obra ng mga sikat na pintor sa Pilipinas tampok sa magkahiwalay na solo exhibit sa Paris noong October 20, 2022.

Kasama sa mga obrang itinanghal ay mula sa Pinoy top photographer turned painter na si Mark Nicdao sa ‘Asia Now,’ isang major art fair sa Paris, na nasa ilalim ng Rivoli Fine Art Galerie na kung saan tampok sa ‘Microscopic Amphigories’ exhibit ang 13 abstract paintings ni Nicdao.

Paintings1
Paintings5

Kasabay ng ‘Asia Now,’ ang isa pang solo exhibit na pinamagatang ‘When Time Stood Still’ kung saan ibinida naman ang mga obra ng multi-awarded Pinoy artist na si Elmer Borlongan. Magtatagal ang exhibit hanggang November 20, 2022.

painting ng kiss
painting thumbs

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News at TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO: