Ilang tulay sa Maguindanao del Norte, nasira dahil sa mga pagbaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang tulay sa Maguindanao del Norte, nasira dahil sa mga pagbaha

Ilang tulay sa Maguindanao del Norte, nasira dahil sa mga pagbaha

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 30, 2022 10:29 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

PARANG, Maguindanao - Sa kahoy na lang tumatawid ang ilang residente ng bayang ito matapos maputol ang Nituan Bridge bunsod ng rumagasang tubig sa ilog noong Biyernes.

Hindi muna pinapadaanan sa mga sasakyan, kahit motorsiklo, ang nasabing tulay.

Para sa mga kailangan magdala ng sasakyan, may tatlong alternatibong ruta pero mas matagal ang biyahe.

Kung pupunta sa sentro ng bayan, aabutin pa ng 40 minuto bago makarating. Pero kung hindi nasira itong tulay, nasa limang minuto lang sana ang biyahe.

ADVERTISEMENT

Wala ring palengke dito sa Nituan kaya kailangan talagang tumawid ng mga residente dahil ito ang pinakamalapit na bilihan sana. Ang problema nila, apat na beses pa silang mamamasahe.

Nanawagan ang mga residente na sana'y mapabilis ang pag-ayos ng nasirang tulay.

Sa ilalim nito kung saan may ilog, wala kabahayan pero may mga malalaking puno na natumba.

Apat na tulay ang hindi madaanan sa probinsya ng Maguindanao del Norte matapos masira ng hagupit ng bagyong Paeng: Labu-Labu bridge sa Datu Hoffer, tulay sa Diatlungan Ampatuan ng Maguindanao del Sur, Matengen Bridge sa Sultan Kudarat, at ang Nituan Bridge.

Ayon sa Public Works office ng Maguindanao del Norte, may pondo na ang BARMM at national government para sa pagsasaayos ng mga nasirang tulay sa highway.

Wala pa itong masabing eksaktong araw kung kailan masisimulan, pero ayon sa ahensya, ito ay sa lalong madaling panahon.

- Ulat ni Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.