'Lord, tama na': Ilang taga-Cavite, na-trap sa mga bahay dahil sa bahang dala ni Paeng | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Lord, tama na': Ilang taga-Cavite, na-trap sa mga bahay dahil sa bahang dala ni Paeng

'Lord, tama na': Ilang taga-Cavite, na-trap sa mga bahay dahil sa bahang dala ni Paeng

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagmakaawa sa paghingi ng rescue ang mga taong na-trap sa kanilang bahay dahil sa lagpas-taong baha sa Aselmo Compound sa Barangay San Juan Uno, Noveleta, Cavite.

Sa hirap mapuntahan ang kanilang lugar, umabot nang 2 oras bago sila nasagip.

“Wasak na ‘yung gate namin. Lord, tama na!" wika ni Marcriselvie Torres Timkang, isang residente.

Watch more News on iWantTFC

Rumaragasa ang tubig kasabay ng malakas na pag-ulan ang kanilang naranasan habang humahagupit ang bagyong Paeng.

ADVERTISEMENT

May mga van na tinangay na ng tubig.

Ilang mga residente ang napilitang manatili sa bubong ng bahay para hindi maabot ng baha.

“Ang nakikita niyo po ngayon ay umapaw na po ang breakwater sa palengke. Sa kauna-unahang pagkakataon po ay ngayon lang po nag-overflow," anang disaster risk reduction management officer Jig Alix.

Sa lakas ng ulan, umapaw ang Ylang-Ylang River at nasira ang river wall.

Walong barangay ang binaha.

“Nagiba ‘yung river wall eh, nagiba. ‘Yung tubig ho, imbes na dumire-diretso palabas ng dagat, eh dito sa mga barangay na ito naibuhos ‘yung lakas ng ragasa ng tubig," ani Noveleta Mayor Dino Reyes-Chua.

Dalawang senior citizen na lalaki ang namatay sa gitna ng bagyo -- isa ay matapos atakihin sa puso habang nata-trap sa bahay sa Barangay Sta. Rosa, at ang isa ay nadulas at nabagok ang ulo sa Barangay San Antonio Dos.

Lagpas tao rin ang baha sa Kawit at rumaragasa ang tubig, kaya hirap na maka-arangkada ang rescuer.

“Ang mahirap lang sa amin, sa Kawit, Noveleta, sa first district, catch-basin kami. So kapag bumabagyo, lahat ng mga tubig galing sa upland, dito bumabagsak," ani Kawit mayor Angelo Aguinaldo.

Ito na ang pinakamalalang pagbaha na naranasan sa bayan, kasunod ng Ondoy noong 2009, ayon sa ilang residente.

“Lahat po kami dito nagbabantay diyan kasi may mga gamit po kami dito. May mahalagang gamit po kami diyan. May mga motor namin nakatambay, pwedeng ilabas namin kapag lumaki," anang residenteng si Mariano Jaminal.

Tumambad nitong umaga ng Linggo ang malawak na pinsala ng bagyo -- basang gamit, binahang sasakyan, at mga motorsiklong tinangay ng baha.

May mga puno ring nagtumbahan.

Nasira ang makeshift na silid-aralan sa Lucsuhin Elementary School, at isinara sa mga motorista ang Bunga-General Trias Bridge matapos makita ng Municipal Engineering Office na may bitak ang tulay.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.