Sasakyan nagliyab sa kalsada sa Gensan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sasakyan nagliyab sa kalsada sa Gensan

Sasakyan nagliyab sa kalsada sa Gensan

Francis Canlas,

ABS-CBN News

Clipboard

Tinupok ng apoy ang isang sasakyan habang binabagtas Yumang Street sa Barangay City Heights sa General Santos City nitong Lunes ng umaga. Francis Canlas, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY - Ligtas ang 4 na pasahero ng isang SUV na nagliyab habang binabagtas ang Yumang Street sa Barangay City Heights sa lungsod na ito nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa ilang nakakita, nagmula ang apoy sa driver's seat. Nakalabas naman ang 4 na pasahero bago pa man kumalat ang apoy.

Mabilis namang nakarating ang mga bumbero at naapula ang liyab, ngunit naabo pa rin ito.

Ayon kay FO3 Macacuna Tomambiling, isang fire and arson investigator, alas-7:15 nang magsimula ang apoy.

ADVERTISEMENT

Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang may-ari ng sasakyan na kinilala bilang si Allan Mark Zeta.

Ayon sa imbestigasyon, bigla umanong tumirik ang sasakyan at may lumabas na usok sa manibela. Nang mapansin ito ng mga pasahero, agad silang lumabas.

Tinitingnan ngayon na posibleng problema sa electrical wiring ang naging sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng danyos ng sunod.

Paalala naman ng Bureau of Fire Protection na ugaliing ipasuri ang sasakyan at siguruhing nasa maayos itong kondisyon bago bumiyahe ngayong paggunita ng Undas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.