Monumento ni Antonio Luna, binuksan sa publiko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Monumento ni Antonio Luna, binuksan sa publiko

Denis Agcaoili,
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2016 02:31 PM PHT

ILOCOS NORTE -- Kasabay ng paggunita ng ika-150th na anibersaryo ng kapanganakan ni Heneral Antonio Luna, binuksan na sa publiko ang kanyang monument sa Badoc, Ilocos Norte, Sabado.

Itinayo ito sa harap ng ancestral home ng pamilya Luna na ngayon ay isa ng museo.

Ang cast bronze life-size monument ay gawa ni Juan Sajid Imao, isang kilalang iskultor na gumawa rin sa monumento ng kapatid ni Antonio na si Juan Luna na una ng itinayo sa museo.

Inalayan ang monumento ng bulaklak sa pangunguna nina Brigadier General Restituto Aguilar ng Philippine Veterans Affairs Office, Department of Education Assistant Secretary Tonisito Umali at National Historical Commission of the Philippines research chief Alvin Alcid.

Binigyan din ang Ilokanong bayani ng 21 gun salute ng Philippine Army Reservist.

Ayon kay Alcid, itatayo sana ang monumento ni Antonio Luna sa Binondo, Maynila kung saan ito ipinanganak ngunit pagmamay-ari na ang bahay ng isang pribadong tao.

“Hindi po natin pwedeng lagyan ng monumento kaya po dito namin minabuting ilagay na sa tingin ko pa naman ay tatanggapin ng ating mga taga-Badoc, lalong-lao po ng mga Ilokano kasi alam naman po natin na kahit [hindi] siya dito ipinanganak, 'yung kanya pong lahi,'yung kanya pong ninuno ay tunay na Ilocano,” ani Alcid.

Dagdag naman ni Aguilar na sana ay manatiling inspirasyon ang kontribusyon ni Luna sa bansa.

“His heroism proves to us that a sacrifice just made in the name of our country was all worth it. Antonio Luna, the man whose birthday we mark today was a man of great significance, immortalized by his renowned love for his country, He was considered as one of the greatest, if not the greatest general of this country and yet he was more than that. He was an athlete, a writer, a scientist and a soldier,” ani Aguilar.

(Ang kanyang pagkabayani ay nagpapatunay na ang sakripisyo para sa bayan ay walang katumbas na halaga, Si Antonio Luna, ang taong ipinagdiriwang natin ang kaarawan ay isang taong mahalaga na mananatiling buhay sa alaala dahil sa kaniyang pagmamahal sa bayan. Siya ay isa sa pinakamagagaling na heneral ng bansa at higit pa dito, siya ay isang atleta, manunulat, siyentipiko, at sundalo.)

Panoorin ang pagbubukas ng bagong monumento sa publiko dito: