ALAMIN: Mga plataporma ni 'Ka Leody' 'pag naging pangulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga plataporma ni 'Ka Leody' 'pag naging pangulo

ALAMIN: Mga plataporma ni 'Ka Leody' 'pag naging pangulo

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 29, 2021 08:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Plataporma bago personalidad. Ito ang isinusulong ng labor leader na si Leody de Guzman na tumatakbong pangulo sa 2022.

Ani De Guzman, 62, at tubong Oriental Mindoro, wala siyanga pera, pangalan, at makinarya.

Ang nangingibabaw sa kaniya ay ang kaniyang nais na isentro ang diskurso sa kontraktuwalisasyon, pasahod sa mga manggagawa, benepisyo sa health care workers, at kabuhayan ng mga mangingisda at magsasaka.

"Madaling ipakulong si (Pangulong Rodrigo) Duterte. Madaling habulin si (dating Sen. Bongbong) Marcos. Pero 'yung problema ng kahirapan ng ating mga magsasaka, 'yung kaapihan ng ating mga manggagawa, 'yung walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, 'yung biktima niyan ay 109 million na taong Pilipino. 'Yun ang tingin ko na mas importante," aniya.

ADVERTISEMENT

Unang-una niyang gagawin kapag nahalal na pangulo ay maglabas ng executive order na magpapatupad ng "labor first policy" na hihinto sa kontraktuwalisasyon at magtataas ng across-the-board minimum wage na P750 kada araw sa buong bansa.

Balak niya ring limitahan ang Build Build Build projects at labis na pangungutang.

Sa ilalim ng Duterte administration, lumobo ang utang ng Pilipinas mula P5.9 trillion noong 2016 sa P11.92 trillion sa katapusan ng Setyembre 2021 dahil sa mga utang na tinamo para sa Build Build Build at pagtugon sa COVID-19.

Ngayon pa lang, nananawagan na si De Guzman sa gobyerno na ihinto muna nang 5 taon ang pagbabayad ng utang ng bansa at ilaan ang pera sa pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers at dagdag na pondo sa kalusugan.

Kabilang sa mga patakaran ng Duterte administration na babaliktarin ni De Guzman ang TRAIN, CREATE, at anti-terror laws.

Tigil din daw ang war on drugs.

Bibigyan din niya ng prangkisa ang ABS-CBN at palalayain si Sen. Leila de Lima.

—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.