Mga nawalan ng bahay, kabuhayan dahil sa Quinta nananawagan ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nawalan ng bahay, kabuhayan dahil sa Quinta nananawagan ng tulong

Mga nawalan ng bahay, kabuhayan dahil sa Quinta nananawagan ng tulong

ABS-CBN News

Clipboard

Wasak ang maraming bahay sa Barangay Estrella, Naujan, Oriental Mindoro nang tumama ang storm surge sa lugar. Dennis Datu, ABS-CBN News

MAYNILA - Nasapul ng mga malalaking alon ang mga bahay sa Barangay Estrella sa bayan ng Naujan nang masalanta ng bagyong Quinta nitong linggo.

Maraming bahay ang gumuho, at makapal na buhangin ang tumabon sa lugar.

Ang pinagpapasalamat na lang ng mga residente ay walang nagbuwis ng buhay sa kanila.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang araw na ang nakakalipas pero naghahanap pa rin ng mga maaaring magamit sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay ang mga residente.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, tulong ang kanilang hiling para sa kanilang pagbangon.

"Wala po kami naisalba kahit isang gamit, ultimo damit namin kung 'di pa kami nagkalkal wala po kami susuotin," ayon kay Mary Ann Delos Reyes, na nawalan ng bahay dahil sa bagyo.

Pagkain ang unang hiling ng mga magulang para sa kaniyang mga nagugutom na anak.

"Nabasa ng tubig-dagat, pinagtiyagaan naming 'yun isaing para lang may makain kami eh ngayon wala na ho naubos na ho," pahayag ni Roida Marquez, isa sa mga nasalanta ng bagyo.

"Wala po kami mapakain sa aming mga anak, nanawagan po ako sana po kami ay inyong matulungan. Sana po kami ay inyong mapuntahan ditto, parang awa niyo na po," ani Annabell Ilagan, isa pang residente.

Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga taga-Barangay Estrella pero ang bangka na kanilang ginamit ay wasak na rin kaya namomroblema sila kung paano sila makakapalaot.

"Gutom na ho at napakahirap ho, wala na kami magagawa paraan, dagat lang pinagkakakitaan namin. Sana naman po ay dinggin ang aming hiling na matulungan," ayon kay Limson Acosta, na nasiraan ng bangka.

May ilan ding mga residente na nagalit dahil sa kakulangan ng babala ng mga lokal na opisyal.

Akala raw nila, mahina lamang ang bagyo dahil bago mawala ang suplay ng kuryente, Bicol ang huli nilang balita na tatamaan nito.

"Wala ho nagpahiwatig sa aming taga-municipal na para kami ay sabihan para lumikas kaya di kami nakapaghanda na. Alam ho naming may bagyo pero hindi ho namin alam kung kalian darating, anong oras," ani Acosta.

Pero giit ng municipal disaster risk reduction and management office ng Naujan, sapat na ang mga binigay nilang babala.

"Nandiyan ang ating information dissemination sa barangay natin, pinapadala 'yan through text, may tawag pa tayo. Noong nag-signal number 3 tayo ay nag-evacuate sa Barangay Estrella," ani Joery Geloroio, MDRRMO office ng bayan.

'ROLLY' PINAGHAHANDAAN

Nangangamba na rin ang mga residente ngayong may paparating na rin ang bagyong Rolly at may posibilidad pa itong tumama sa kanilang bayan.

"Darating pa daw ang Rolly eh sana naman huwag na sa amin pumunta dahil hindi na ho namin kakayanin. Di na nga po namin alam kung papaano magsisimula nito," ani Marquez.

Naghahanda na rin ang LGU sa pagpasok ng bagong bagyo.

"Naka-monitor naman kami diyan sa bagyong Rolly. It’s good to know na para siyang lumilihis but hindi dapat maging kumpiyansado ang ating mga mamamayan," ani Naujan Mayor Mark Marcos.

Higit 800 bahay ang nawasak sa Naujan at higit 5,000 ang nagtamo ng mga pinsala.

Nakapagbigay ng inisyal na tulong ang LGU sa mga naapektuhang pamilya at plano rin nilang magbigay ng financial assistance.

Sa ngayon ay nakahanda na muli ang mga awtoridad sa bagyong Rolly.

Tatlong barangay rin sa Naujan ang isolated dahil sa mga nasirang kalsada.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

‘My Puhunan: Kaya Mo!’: Ube sinigang sa Binondo, patok sa masa

‘My Puhunan: Kaya Mo!’: Ube sinigang sa Binondo, patok sa masa

Sherwin Tinampay

Clipboard

Isang chef sa Binondo, Maynila ang gumawa ng naiibang diskarte para makilala ang sinimulan niyang kainan.

Ang paborito ng mga Pinoy na sinigang, nilagyan lang naman Moncrief Domino ng ube at tinawag na “ube sinigang”.

“Talagang sinadya ko ‘yun para at least may matikman ‘yung mga ordinaryong people, ‘yung mga masang Pilipino ng something new and elevated dish. Then at the same time, hindi naku-compromise ‘yung lasa ng sinigang,” pagbabahagi niya kay Migs Bustos para sa programang “My Puhunan: Kaya Mo!”.

Apat na taong nagtrabaho sa hotel at sa barko si Moncrief pero nahinto nang dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT

Dahil marunong magluto, naisipan niyang magbenta ng mga pagkain online gamit ang P5,000 puhunan.

Bagamat alam niya ang pagluluto, naging problema niya ang pagpapatakbo ng negosyo kung saan naranasan niya ang pagkalugi sa una niyang puwesto.

“Noong nalulugi na ako, nagstart na ako mag-aral regarding kung papaano magnegosyo, papaano mag-marketing. So hayun, unti-unti natutunan ko. Then nababaon na din kasi ako sa utang. So pinagdesisyon ako na isara na. Then, nabigyan tayo ng opportunity na magkaroon ng puwesto dito sa Binondo and then hayun na, doon na nagstart,” pagdedetalye niya.

Binabalik-balikan ngayon ng mga parokyano ang kainan ni Moncrief si Binondo.

Bukod sa kaniyang pamosong ube sinigang, bida rin sa kaniyang kainan ang una niyang produkto, ang kare-kare.

Panoorin ang kaniyang kuwento dito sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama si Migs Bustos.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.