Mga nasawi sa bagyong Yolanda, inalala | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nasawi sa bagyong Yolanda, inalala
Mga nasawi sa bagyong Yolanda, inalala
Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Oct 29, 2017 06:12 PM PHT

TACLOBAN CITY - Dumagsa na ang mga residente ng Tacloban City sa mga sementeryo ilang araw bago ang Undas at anibersaryo ng bagyong Yolanda.

Ilan sa mga residente ang nagpipintura ng mga libingan, habang ang iba naman ay naglilinis sa libingan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa Yolanda Mass Grave sa Barangay Basper, may ilang Yolanda survivors rin ang dumalaw sa mga nakalibing.

Napalitan na ang puting pintura sa mga krus na alay sa mga namatay sa kalamidad.

ADVERTISEMENT
May ilang nagtirik ng kandila at nag-alay ng dasal, habang may ibang naglagay ng lapida.

Samantala, naghahanda na rin ang awtoridad sa Tacloban City para maging mapayapa ang Undas at darating na anibersaryo ng bagyong Yolanda.