Mga Pinoy artist sa Europa, nagsagawa ng art exhibit sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy artist sa Europa, nagsagawa ng art exhibit sa Batangas

Mga Pinoy artist sa Europa, nagsagawa ng art exhibit sa Batangas

TFC News

Clipboard

BATANGAS - Sa Europa man o sa Pilipinas patuloy na namamayagpag ang mga Pinoy artist. Nagsanib pwersa kamakailan ang Kunst Filipino at Manilart para sa isang makulay na opening ng kanilang art exhibition sa Ap'laya art gallery, Barangay Bolbok, Batangas City na dinaluhan ng mga alagad ng sining.

Kunst artist

Tampok ang art pieces ng mga artists na bitbit ng Kunst Filipino Europa para sa exhibit mula nitong October 8 hanggang 18.

Kunst exhibit

May temang ‘Filipinism: What Makes Art Filipino’ ang exhibit na tampok ang 46 paintings mula sa mga kilalang contemporary Pinoy artist tulad nina Rafael Cusi, Aris Bagtas, Lino Acasio, Pons Acuna, Rigor Esguerra, Ada Panopio, Ruby Bagsit at iba pa.

Kunst paintings

Kasama ring itinampok ang mga obra ng Filipino masters at National Artist tulad nina Arturo Luz, Napoleon Abueva, H.R. Ocampo, Oscar Zalameda, Manuel Rodriguez, Nena Saguil at iba pa.

ADVERTISEMENT

Ang Kunst Filipino na 2021 Presidential awardee ay nakatutok sa pagpapalaganap ng sining at kultura ng Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Kunst artists

Sa Batangas nagsimula ang adhikain ng Kunst Filipino noong 1991 at dinala sa Germany upang maitanghal ang galing ng Pilipino sa larangan ng sining biswal, musika at sayaw.

Ang Manilart naman ay ang longest national art fair sa Pilipinas na suportado ng National Commission for Culture and the Arts.

Ver

Lubos naman ang pasasalamat ng dalawang grupo ng choir katulad ng A Cappella Manila at Philippine Madrigal singers na natulungan din ng Kunst Filipino sa kanilang mga concert sa Europa.

“Napakahalaga ng papel na ginampanan ng Kunst Filipino sa mga tour ng A Cappella Manila lalo na sa mga bansa sa Europa sapagkat buo ang kanilang pagtulong, ibig sabihin niyan ay hindi nila nililimitahan ang kanilang ibinibigay tulong, parang kami ay kanilang inampon,” wika ni Prof. Rodel Bugarin, artistic director ng A Cappella Manila.

“Yung pong aming collaboration with Kunst Philippines ay talagang nagiging meaningful dahil sa bukod na naririnig nila ang kagandahan ng boses at musika ng Madrigal ito ay nai-emphasize pa ang galing ng Flipino artist,” sabi ni Alfred Samonte, manager, Philippine Madrigal singers.

Kunst collage3

Natuwa rin ang pintor na si Aris Bagtas at ang Douglas Nierras Powerdance group sa kanilang pagkikita muli matapos ng ilang taon.

“Maraming naitulong sa akin ang Kunst Filipino sa mga exhibit ko sa Europa lalo ung una kong biyahe. Naipalabas ko ang una kong artwork sa pamamagitan ng Kunst kasi sa Kunst itunuturo sa isang klase ang painting para maintindihan ng mga manonood,” sabi ni Aris Bagtas, muti-awarded visual artist.

“Dahil po roon sa experience na ‘yon doon ko nakita ang halaga ng pagsasayaw ko bilang dance artist, doon din po kami tinulungan hindi lang to socialize with other people syempre sanay ka na nagpe-perform ka pero iba ang ginawa sa’yo ng Kunst ung ipinalabas ka sa ibang lahi.” sabi ni Christaliza Sawada-Dabalus, associate artistic director, Douglas Nierras Powerdance.

Dumating din ang ilang kawani ng Department of Foreign Affairs na naging partner ng Kunst Filipino sa pagpapalaganap ng sining at kultura ng Pilipino sa Europa.

“Napakalaking bagay ang Kunst Filipino sa trabaho namin sa embahada, sila ay naging mahalagang partner sa aming trabaho lalo nasa tinatawag na cultural diplomacy program dahil kami ay nag-oorganisa ng mga event,” sabi ni Amb. Julius Flores, assistant secretary, DFA.

Laking pasasamat naman ng mag-asawang Ponciano at Lorie Acuna na sa kanilang gallery ginanap ang unang Manilart fair sa Batangas.

“Ako po ay labis na natutuwa at successful po ang project na ito at nakita po ang ating mga painting sa buong Pilipinas,” sabi ni Capt. Ponciano Acuna, may-ari ng Aplaya art gallery.

“Tulad po ng sabi ng asawa ko, kami po’y natutuwa at naging successful po ang event na ito, nagpapasalamat po kami lalo na sa mga artist,” sabi ni Acuna.

Hindi lang ang 30-taon ng pagpapalaganap ng sining at kultura ng Pilipinas sa ibang bansa ang ipinagdiwang sa event, kundi naging isang reunion din ito ng mga artists na naging kasapi ng Kunst Filipino.

(Photos by Virgilio Cuizon)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.