Huling 3 araw ng voter registration dinudumog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Huling 3 araw ng voter registration dinudumog

Huling 3 araw ng voter registration dinudumog

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Dinagsa ng mga nais maging botante ang satellite office ng Commission on Elections (Comelec) sa SM Novaliches nitong Huwebes para magparehistro sa darating na halalan, na magtatapos na sa Sabado.

Karamihan sa mga dumating ay mga bagong botante.

"Bilang isang Pilipino, mahalaga din po ito. Bilang first timer, nakakatulong pa rin sa bansa, para ma-sure mo kung anong saloobin mo," ani Bella Carino, 19.

Sa unang step ng registration o verification, nilinaw na agad ng Comelec na dapat dala na ang mga requirement.

ADVERTISEMENT

"We don't accept IDs na fake o matagal nang expired... I'm sorry po, pero di tinatanggp ang barangay ID at hindi rin po tinatanggap pati police clearance," ani Vic Fabella, Comelec officer.

Ang extended voter registration period para sa Halalan 2022 ay magsasara na sa Sabado, ika-30 ng Oktubre.

"Please go ahead of time. Huwag yung pasara na kami. 'Wag patapos na, kasi baka hindi sila umabot sa biometrics," ani Fabella.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.