Search, rescue, at oil spill response ng PCG, ipinakita sa Marine Pollution Exercise | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Search, rescue, at oil spill response ng PCG, ipinakita sa Marine Pollution Exercise

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Oct 27, 2022 04:48 PM PHT

Inilunsad ng Philippine Coast Guard ang unang lokal na Marine Pollution Exercise sa bansa na ginanap sa Manila Bay.

Ipinakita ng PCG ang kasanayan sa search and rescue operations, fire fighting, at oil spill response.

Nilahukan ito ng iba-ibang government agencies tulad ng Department of Transportation, Office of Civil Defense, PNP Maritime Group, at Bureau of Fire Protection.

Nagsagawa ang PCG ng search ng rescue operation gamit ang walong vessels at isang chopper.
Nagsagawa ang PCG ng search ng rescue operation gamit ang walong vessels at isang chopper.
ADVERTISEMENT
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, mahalaga ang naturang aktibidad bilang paghahanda sa pagresponde sa mga posibleng sakuna sa karagatan.

Pagkakataon din ito para makita ang mga dapat ma-improve sa kanilang pagresponde lalo’t nakasalalay ang kaligtasan ng mga sakay ng mga sasakyang pandagat maging ang pangangalaga sa kalikasan.

Dahil naman sa Undas at banta ng Bagyong Paeng, naka-heightened alert na ang PCG lalo’t marami ang inaasahang bumiyahe nang inter-island gamit ang mga sasakyang-pandagat.

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT