Dagdag-kapasidad para sa mga pampublikong jeep, bus, itinutulak ng DOTr | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dagdag-kapasidad para sa mga pampublikong jeep, bus, itinutulak ng DOTr

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2021 07:50 PM PHT

MAYNILA - Isinusulong ng Department of Transportation na payagan nang mapuno ng pasahero ang mga pampublikong jeepney at bus mula sa kasalukuyang 50 porsiyentong kapasidad.

"We are looking to pilot po dito sa Metro Manila dahil po sa isang rason na nakita namin sa medical literature na ang pagtaas ng COVID cases ay hindi nakatali sa ating public transport but rather nakatuon sa percentage ng mga vaccinated individual sa isang lugar," ani DOTr Assistant Secretary Mark Pastor.

"We are pushing for 100 percent, pero yung proposal namin sa IATF ay may iba-iba pong aspeto na maaari pong hindi 100 percent, basta't magkakaroon po tayo ng increase," dagdag niya.

Sa ngayon, nasa 50 porsiyento lang ang kapasidad ng pasahero ng jeep.
Sa ngayon, nasa 50 porsiyento lang ang kapasidad ng pasahero ng jeep.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ng bus operators na gagana pa rin ang basic health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Ang importante rin daw ay magkaroon ng kita ang mga tsuper sa gitna ng walang habas na pagtaas-presyo ng petrolyo.

"Kung hindi naman nila maibigay yung 100 percent depende sa sasabihin ng IATF, eh yung 50 percent namin magbigay lang sila ng 75 percent dumagdag ng 25 percent kasi nga pag-aaralan muna hanggang sa mag-100 percent siguro po magpapasalamat na kami doon. Wala namang pagkontra ang Department of Health sa planong pagpuno ng mga jeep at bus sa gitna ng pagbaba ng COVID-19 cases," ani Samahan ng Transport Operators ng Pilipinas Director Juliet De Jesus.

Wala namang pagkontra dito ang Department of Health, pero importante anila na sundin ang minimum public health standards.

"As a health practitioner siyempre kinakabahan tayo pero sa pagbubukas natin ng ekonomiya kasi with these sectors that we are opening up kailangan may safeguards lagi. Di kaya ang physical distancing, pero nag-face mask ka, di ka nagsalita, di ka kumain, nag-sanitize ka, 'yung physical distancing isasakripisyo natin yan pero ang iba dapat nacomply mo," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pero hindi pa rin malinaw kung ano ang magiging patakaran sa plastic barrier at pasahan ng pamasahe sa jeep.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT