Inihahanda nang i-donate ng Bureau of Customs sa Department of Education ang mga nasabat na electronic device at iba pang educational material. Bureau of Customs
MAYNILA — Inihahanda na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabat na electronic devices at learning materials, na ido-donate sa Department of Education para magamit sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong may pandemya.
Nagsagawa ng imbentaryo ang mga tauhan ng Customs ng mga electronic device at learning material na inabandona sa Ninoy Aquino International Airport.
Kabilang dito ang mga laptop, flash drive, hard drive, mobile phone, LED computer monitor, printer, router, pocket WiFi, computer tablet, educational book, school bag, at sapatos.
Para matiyak na pasado sa minimum standards ang mga donasyon at ligtas gamitin, kumuha ng kaukulang clearance ang BOC sa National Telecommuncions Commission at Optical Media Board.
Ayon sa Customs, tulong nila ito sa DepEd sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Umaasa ang BOC na makatutulong ang donasyon sa distance learning, na ipinatutupad sa mga paaralan habang ipinagbabawal ang face-to-face classes sa gitna ng pandemya.
Related video:
-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Bureau of Customs, gadgets, learning materials, Department of Education, distance learning, blended learning, education new normal, donation, learning materials, gadgets