Ina ng baby na may cancer, umapela ng tulong | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ina ng baby na may cancer, umapela ng tulong

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2020 06:26 PM PHT

MAYNILA - Humihingi ng tulong ang isang 21-anyos na babae para sa pagpapagamot ng kaniyang anak na may stage IV cancer.

Ayon kay Jessa De Guzman, tinubuan ng parang beke ang kaniyang isang taong gulang na anak na babae.

“Noon po may tumubo sa kaniyang parang beke na nagsisimula pa lang. Nung araw din na yun pinacheck-up namin siya sa pedia tapos sabi kulani. Binigyan kami ng gamot na pwede niyang i take,” sabi ni De Guzman.

Sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga, sinabi ni De Guzman na walang epekto sa bata ang gamot dahil patuloy na lumalaki ang bukol sa pisngi nito.

ADVERTISEMENT
Muli nilang pinatingnan sa mga doktor ang bata at na-confine pa ito sa ospital. Doon nila nalaman na may sakit na neuroblastoma stage 4 cancer ang anak.

“Masakit po talaga, nag-iisang anak po namin siya,” sabi niya.

Kinakailangan ng pamilya ang pondo para sa pagpapagamot sa anak. Ang asawa niyang sales clerk ay nawalan naman ng trabaho dahil sa pandemya.

“Pinapasa-Diyos na lang namin po lahat. Kung ano plano ni God, kung anong Will niya. Alam ko naman po kay Lord may dahilan kung bakit ito nangyayari lahat,” sabi niya.

Nangako naman ang Cainta Municipal Social Welfare Office na tutulungan ang pamilya.

“Pumunta lang po sa aming tanggapan para mabigyan namin ng financial assistance, at the same time, pwede naming i-refer sa other institution o offices na pwede naming mahingan ng tulong para sa chemotherapy ng anak niya,” sabi ni Leonor De Guzman, head ng naturang tanggapan.

Para sa mga nais tumulong, maaring makipag-ugnayan kay Jessa De Guzman sa 0921-281-6786.

Read More:
cancer
baby cancer
neuroblastoma
childhood cancer
health
Lingkod Kapamilya
Tagalog news
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT