Inmates na kukuhanan ng salaysay sa pagkamatay ni Percy Lapid, dinala na sa NBI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Inmates na kukuhanan ng salaysay sa pagkamatay ni Percy Lapid, dinala na sa NBI

Inmates na kukuhanan ng salaysay sa pagkamatay ni Percy Lapid, dinala na sa NBI

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 27, 2022 07:18 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Dumating na sa NBI Manila ang apat na persons deprived of liberty mula sa Bureau of Corrections matapos silang sunduin ng NBI.

Hindi pa malinaw kung magiging testigo sila sa imbestigasyon sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid.

Binigyan ng clearance ng Department of Justice ang NBI na kunan sila ng mga salaysay tungkol sa nalalaman nila sa pagkamatay ng middleman na si Jun Villamor.

Isinailalim sa medical exam ang apat na PDL at ililipat sila sa kustodiya ng NBI detention center.

ADVERTISEMENT

Inaasahan na sisimulan ang interview sa kanila ng mga NBI agent umaga ng Huwebes, para magawan sila ng mga sinumpaang salaysay.

Susuriin pa ng NBI ang makukuha nilang impormasyon mula sa apat.

Hindi pa malinaw kung may iba pang mga inmate na kakausapin ang NBI kaugnay sa imbestigasyon.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

Read More:

Percy Lapid

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.