11 anyos na lalaki patay sa sunog sa Lucena City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
11 anyos na lalaki patay sa sunog sa Lucena City

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Oct 26, 2022 01:18 PM PHT

Patay ang isang 11 taong gulang na lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Lucena City, Quezon, Martes ng gabi.

Ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Lucena, pasado alas-9 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Teresa de Vera.

Mabilis umanong kumalat ang apoy at sa loob lang ng ilang minuto ay nilamon na nito ang dalawang palapag na bahay.

Apat na fire truck ang rumesponde at maga-alas-11 ng gabi na nang magdeklara ng fire out.

ADVERTISEMENT
Natagpuan ng mga bombero ang bangkay ng nasawing bata.

Hindi pa malinaw hanggang sa ngayon kung paano nagsimula ang sunog.

Wala namang nadamay na ibang bahay sa sunog, kung saan tinatayang nasa kalahating milyong piso ang halaga ng pinsala.

RELATED VIDEO
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Lucena
Quezon
sunog
Bureau of Fire Protection
fire
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT