Aftershocks ng lindol, ramdam pa rin sa Abra | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Aftershocks ng lindol, ramdam pa rin sa Abra

Bianca Dava,
ABS-CBN News
Published Oct 26, 2022 08:30 PM PHT
Kahit nasa mismong bahay, mas pinili ng pamilya ni Avelina Paculan na sa mga tent sa labas na muna matulog.

Nadagdagan pa kasi ang mga bitak sa kanilang bahay matapos yumanig ang malakas na lindol mag-aalas onse, Martes ng gabi.

Kuwento niya, nagising sila matapos makaramdam na tila dinuduyan ang kanilang higaan.

"Sa takot namin, lumabas na kami dito kasi di pa naayos mga bahay namin na sa una ay nagkabitak-bitak," aniya.
"Sa takot namin, lumabas na kami dito kasi di pa naayos mga bahay namin na sa una ay nagkabitak-bitak," aniya.
ADVERTISEMENT
"Hindi na kami makatayo dahil parang dinuduyan ang lupa," dagdag pa ni Paculan.

Sa tala ng Phivolcs, Intensity V ang naramdaman sa bayan ng Pidigan at mga kalapit na bayan.

Sa video na pinost ni Jezel Bantolina, napatakbo na lang palabas ng kanilang bahay sa Bangued ang kanyang pamilya nang maramdaman ang pagyanig.

Sa isa pang video, kita ang pag-uga ng mga istante sa kanilang tindahan.

Isa sa mga napuruhang estruktura ang Iglesia Filipina Independiente Parish sa bayan ng La Paz.

Tuluyan nang bumagsak ang bahagi ng tore ng simbahan.

Nagkabitak-bitak din ang pader, kisame at pintuan nito.

Ayon kay Reverend Father Christian Edward Padua, bumigay na ang heritage structure dala na rin ng sunud-sunod na aftershocks mula pa sa naunang lindol noong Hulyo.

"May mga cracks na malalaki na nag-suffer ang simbahan. May latrilyo lumabas na, old bricks na ginamit. Ngayon, bumagsak na ang facade," aniya.

"Ang ni-request ko, for the meantime, habang di pa nagagamit ang church, ito munang stage para sa misa," dagdag pa ni Padua.

Hindi rin nakaligtas ang Pulot National High School sa bayan ng Lagayan.

Bukod sa mga bitak sa pader, natumba rin ang mga gamit sa mga classroom at opisina.

Mga crack at basag na salamin din ang iniwan ng lindol sa itinatayong munisipyo ng Lagayan.

Nakatakda sanang lumipat dito ang mga empleyado sa Nobyembre pero tila hindi muna ito matutuloy.

Ayon kay Abra Rep. Menchie Bernos, karamihan sa mga nasirang impraestruktura sa lalawigan ay mga bahay.

Sa ngayon, nagpaabot na ng tulong sa pamamagitan ng food packs at mga tent ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong residente.

"'Yung mga tao, mas prefer nilang naka-tent sa labas ng bahay para mabantayan ang nga gamit," aniya.

"Takot pa silang pumasok sa mga bahay sa lakas ng lindol," dagdag pa ni Bernos.

Sinuspinde na ng pamahalaang panlalawigan ng Abra ang klase sa mga pribado at pampublikong paaralan hanggang bukas para bigyang daan ang pag-inspeksiyon sa mga posibleng pinsala ng lindol.

Sa ngayon, anim ang naitalang sugatan sa Abra dahil sa lindol.