Marikina gov't handa sa posibilidad ng pagbaha dahil sa bagyong Quinta | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Marikina gov't handa sa posibilidad ng pagbaha dahil sa bagyong Quinta

ABS-CBN News
Published Oct 26, 2020 07:11 PM PHT

Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Marikina City ang posibilidad ng pagbaha sa lungsod dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Quinta.

Maaaring bahain ang mga low-lying barangay sa lungsod na Tumana, Nangka at Malanday dahil sa pagbagal ng daloy ng tubig sa Marikina River, base sa ginawang pagsukat ng mga lokal na distaster official.

Mula sa normal na 4 meters per second, nasa 2.3 meters per second ang velocity ng water current sa bahagi ng Marikina River sa Barangay Jesus Dela Peña.

"Hindi tayo dapat maging kampante. On alert tayo dapat," ani Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

ADVERTISEMENT
Nakaantabay na rin ang 5 pampublikong paaralan sa lungsod na gagamiting evacuation center sakaling kailanganing palikasin ang mga residente.

May sariling mga kuwarto sa ground floor ang mga person with disability, buntis, lactating mothers, at senior citizens.

LOOK: Marikina City ready for Typhoon Quinta with 5 evacuation centers such as H. Bautista Elementary School with separate areas for lactating mothers, pregnant women, PWD's, senior citizens. Protocols such as temperature check to be followed, only 2 families per room. pic.twitter.com/BkBw7KpexL
— Adrian Ayalin (@adrianayalin) October 26, 2020

Nasa 2 pamilya naman ang papayagan kada kuwarto ng evacuation center, alinsunod na rin sa health protocols ngayong may coronavirus pandemic.

Aalamin din muna ang temperatura ng evacuee bago siya papasukin sa paaralan.

"'Pag mataas, may kukuha sa kanila. May taga-Marikina City Health na magdadala sa mga may lagnat sa nararapat na pagdalhan sa kanila," sabi ni Angelito Bautista, disaster risk office coordinator.

Patuloy ring binabantayan ang water level ng Marikina River.

Related video:
Sa mga lalawigan sa Southern Luzon, libo-libong pamilya ang pinalikas mula sa kanilang mga tahanan bunsod ng mga malalakas na ulan at hanging dala ng Quinta.

-- Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro news
Marikina
Marcelino Teodoro
Marikina River
baha
panahon
Quinta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT