Expired beauty, household products nakumpiska sa Mandaluyong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Expired beauty, household products nakumpiska sa Mandaluyong

Expired beauty, household products nakumpiska sa Mandaluyong

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Aabot sa P350,000 halaga ng mga hindi rehistrado at expired na beauty at household products ang nakumpiska sa isang tindahan sa Mandaluyong City nitong Biyernes.

Sinalakay ng special investigators ng Food and Drug Administration (FDA) ang tindahan ng “Online Grocery PH” kasunod ng sumbong ng isang concerned citizen na nakabibili dito ng pekeng produkto.

Bulto-bulto ng hindi rehistradong sabong panlaba, dishwashing liquid, bath soap, deodorant at iba pang cosmetic products ang nasamsam ng FDA.

Nagkalat sa tindahan ang mga expired na shampoo at sabon na kanilang inire-repack sa mga bote para maibenta muli.

ADVERTISEMENT

Nakakumpiska pa ng mga burger patty, chicken fillet, at iba’t ibang sauce na kinopya ang recipe mula sa iba’t ibang fastfood chain at kalasa umano ng orihinal.

Sa Facebook itinitinda ng 24 anyos na may-ari ang mga produkto.

Hindi raw niya alam na ilegal ang mga ito dahil nagpakita ng dokumento ang supplier.

“Ah hindi ko po alam kasi may ipinakita lang sa‘king FDA certificate. Nagma-manufacture po sila eh, tapos kumukuha lang po kami ng item," aniya.

Pagmumultahin ang may-ari at tutugisin ang supplier ng online store.

“'Pag mga selling, offering for sale ng mga unregistered, most probably nasa P50,000 to P500,000 po ‘yun," ayon sa isang FDA special investigator.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.