2 taon matapos pumanaw: Puntod ni 'horror queen' Lilia Cuntapay di pa tapos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 taon matapos pumanaw: Puntod ni 'horror queen' Lilia Cuntapay di pa tapos

2 taon matapos pumanaw: Puntod ni 'horror queen' Lilia Cuntapay di pa tapos

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi pa napipinturahan, wala pang lapida, at tanging ang punit-punit na tarpaulin lang ang nakasabit para sa pagkakakilanlan ng puntod ng tinaguriang "horror queen" na si Lilia Cuntapay. ABS-CBN News

Dalawang taon mula nang pumanaw ang tinaguriang "horror queen" na si Lilia Cuntapay, humihingi ngayon ng tulong ang kaniyang pamilya dahil hindi pa tapos ang puntod ng yumaong aktres.

Nakilala si Cuntapay sa mga pagganap niya bilang aswang, white lady, at iba pang masasamang elemento na madalas tampok sa mga pelikula kasabay ng Undas.

Sa Pinili, Ilocos Norte, pumanaw ang aktres sa edad na 81 noong 2016, mula nang magkasakit sa spinal cord.

Ikinuwento ng nag-iisang anak ni Cuntapay na si Gilmore na hindi raw nagpaparamdam o nagmumulto ang kaniyang ina.

Sinamahan ng ABS-CBN News si Gilmore sa puntod ng pumanaw na aktres ngunit halos hindi na makita ito dahil natakpan na ng mga talahib.

Dito tumambad ang hindi pa tapos na puntod ni Cuntapay.

Hindi pa napipinturahan, wala pang lapida, at tanging ang punit-punit na tarpaulin lang ang nakasabit para sa pagkakakilanlan ng himlayan ng aktres.

Ayon kay Gilmore, napabayaan nila ang huling himlayan ng ina dahil kapos sa pera.

Sa malasakit ng iba, umaasa ang pamilya ni Cuntapay na matatapos din ang kaniyang puntod, lalo't kinikilala naman ang kaniyang kontribusyon sa horror films ng sineng Pilipino.

ADVERTISEMENT

—Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.