Kotse, nahulog sa bangin sa Davao City

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 11:01 AM

DAVAO CITY – Apat na pasahero ng isang SUV ang nakaligtas matapos na mahulog ang kanilang sasakyan sa bangin, Huwebes ng madaling araw sa Davao City.

Naganap ang aksidente alas-12:30 ng madaling araw sa Barangay Langub.

Agad rumesponde ang Central 911 Urban Search and Rescue team at inangat ang SUV sa kinalalagyan nito.

Buti na lang at sumabit ito sa puno kaya hindi tuluyang nahulog.

Ginamitan ng chainsaw ang pagputol ng mga sanga para hindi mahirapan ang mga rescuer sa paghila ng kotse.

Wala namang tinamong sugat ang mga pasahero.

Paalala ng awtoridad sa mga motorist na maging mapagmatiyag sa pupuntahang lugar at huwag iparada ang sasakyan sa madilim na lugar o kaya malapit sa bangin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.