Kalbaryo ng mga guro sa labis na kaltas sa sahod, 'panandalian': GSIS | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kalbaryo ng mga guro sa labis na kaltas sa sahod, 'panandalian': GSIS

ABS-CBN News
Published Oct 26, 2017 07:33 PM PHT
|
Updated Oct 26, 2017 07:34 PM PHT

Ipinaliwanag ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Huwebes kung papaano humantong sa puntong P180 na lang ang naiuwing sahod ng ilang guro dahil sa labis na kaltas bunga ng mga utang.

Alinsunod ito sa ipinalabas na bagong memorandum order ng Department of Education (DepEd) na sabay-sabay nang singilin ang bayad ng mga guro sa loans mula sa GSIS.

Sa panayan kay Atty. Nora Saludares, presidente at general manager ng GSIS, sinabi nitong matagal na nilang naobserbahan na hindi inire-remit ng DepEd ang mga bayad-utang ng teachers at non-teaching personnel.

Bilang resulta, wala na umanong nakukuhang retirement benefits ang mga guro, habang ang iba ay nagnenegatibo pa.
Bilang resulta, wala na umanong nakukuhang retirement benefits ang mga guro, habang ang iba ay nagnenegatibo pa.
ADVERTISEMENT
"Kasi po hindi po natin napansin na hindi na pala nila binabayaran, sine-set aside na lang 'yung kanilang utang sa GSIS," ani Saludares.

Dagdag pa niya, inuuna pang bayaran ng DepEd ang mga utang ng guro sa mga private lending institutions (PLI).

"So we explained to DepEd that there is a law which is RA 8291 that specifically provides that all moneys due to GSIS -- and that we refer to premium and all loans -- should be given priority by all government agencies," paliwanag ni Saludares.

'Panandalian'
Sa parehong panayam, ibinunyag ng GSIS na mayroon na silang solusyon sa kalbaryo ng mga guro.

Ani Saludares, magbibigay sila ng financial assistance sa mga guro upang lumaki-laki naman ang kanilang take home pay.

"GSIS will be providing a financial assistance loan which will refinance all these loans [from PLI]...and if that happens that will improve the net take home pay of the teachers."

Sa nasabing programa, babayaran ng GSIS lahat ng pagkakautang ng mga guro sa PLI sa pamamagitan ng panibagong utang.

Aakuin na ng GSIS ang lahat ng utang upang sa kanila na lamang magbayad ang guro, sa mas mababang interes.

"GSIS will just be charging lower interest so bababa po 'yung kanilang monthly amortization dahil the term will be longer and 'yan naman pong kikitan sa interest na iyan ay napupunta sa social insurance fund," paglilinaw ni Saludares.

Hinihintay na lamang ng GSIS ang komento ng DepEd sa kanilang binalangkas na memorandum of agreement.

Bukod pa riyan, magsasagawa rin ang GSIS ng financial literacy program kasama ang DepEd na balak simulan sa Enero 2018.

Paalala ng ahensiya, sundin na lamang ang GSIS law upang hindi na magkaproblema ang mga empleyado ng gobyerno pagdating ng kanilang retirement.

"Dapat po yung benepisyo nila habang nabubuhay continuous po 'yung pension. Kumbaga ito po ay para sa kanila."

Paniguro ni Saludares, panandalian lamang ang nararanasang ito ng mga guro.

"The problem that you are encountering will be temporary because the GSIS will come in, we will be going to refinance your loan with the PLI and this will improve your net take home pay...We are going to resolve this very, very soon," pagtatapos ni Saludares.