Tubig-gripo na naninilaw, may bulate inirereklamo sa Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tubig-gripo na naninilaw, may bulate inirereklamo sa Pangasinan

Tubig-gripo na naninilaw, may bulate inirereklamo sa Pangasinan

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 25, 2019 09:42 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inirereklamo ng ilang residente sa isang barangay sa Binmaley, Pangasinan ang paglabas ng mga bulate mula sa ilang gripo sa lugar.

Una itong napansin ng mga residente noong Linggo, kung saan naninilaw pa ang lumalabas na tubig.

Dahil dito, gumagamit sila ng tela para masala ang dumi.

"Sana naman ayusin nila 'yung problema kasi yung health namin nakasalalay. 'Yung pangluto, inumin at pang-toothbrush namin mineral na kasi nakakatakot," ayon sa isang residente.

ADVERTISEMENT

Mineral water na ang gamit ng isang residente dahil duda sila sa kaligtasan nito.

Ayon sa pamunuan ng Binmaley Water District, posibleng may tagas ang tubo ng mga apektadong residente.

Nagnegatibo raw kasi sa bulate, e-coli, at coliform bacteria ang kanilang tubig sa katatapos lang nila na bacteriological examination, ayon kay Louella A. Cano, Division Manager ng concessionaire.

Pero dahil sa insidente, nagsagawa ng flushing at water sampling ang ahensiya sa lugar para mawala ang dumi.

Pinag-iingat naman ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga residente sa pag-inom ng nasabing tubig, lalo na't may bulate ito.

"Puwedeng magkaroon ng diarrhea... Nakakakuha rin ng typhoid fever diyan at pangatlo kung may uod o bulate hindi po yan safe sa consumo ng indibidwal," ani Anna De Guzman, hepe ng Pangasinan PHO.

Payo nila, dapat pakuluan nang 3-5 minuto ang tubig para mamatay ang bacteria at huwag direktang inumin ang tubig mula sa gripo.

-- Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.