Pulis-QC patay nang aksidenteng tamaan ng bala ng nalaglag na baril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis-QC patay nang aksidenteng tamaan ng bala ng nalaglag na baril

Pulis-QC patay nang aksidenteng tamaan ng bala ng nalaglag na baril

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 25, 2018 12:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang pulis nang aksidente umanong tamaan ng bala ng nalaglag niyang baril sa loob ng kanyang opisina, Huwebes ng umaga.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center si Insp. Ceferino Gatchalian, hepe ng drug enforcement unit ng Quezon City police Station 10, pero binawian din ng buhay sa ospital.

Sa paunang ulat ng mga awtoridad, tinamaan ng bala sa tagiliran ang 41 anyos na pulis nang malaglag ang kanyang baril.

Pauwi na umano ito matapos ang magdamag na duty nang mangyari ang insidente.

ADVERTISEMENT

Dumating na sa East Avenue Medical Center ang kamag-anak ng namatay na pulis.--ulat mula kay Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.