2 batang lalaki nalunod sa palaisdaan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 batang lalaki nalunod sa palaisdaan
2 batang lalaki nalunod sa palaisdaan
Grace Alba,
ABS-CBN News
Published Oct 25, 2017 11:21 PM PHT

Nalunod ang magkaibigang batang lalaki sa ginagawang palaisdaan sa Barangay Subec, Santa Catalina, Ilocos Sur nitong Martes ng tanghali.

Kinilala ang mga biktima na sina Vhin Ragasa, 7, at Jerome Anyog, 11, na parehong taga-Barangay Cabittaogan, Santa Catalina.

Ayon sa imbestigasyon, dahil walang pasok sa paaralan, nagtungo sina Vhin at Jerome kasama ang pito pa nilang mga kaibigan sa bukid na sakop sa katabing Barangay Subec pero ang dalawang biktima lang ang naligo sa ginagawang palaisdaan.

“‘Yung mga bata, nagpunta sa bukid para maglaro at ‘yung dalawa, bigla na lamang tumalon sa may hukay. Hindi nila alam lumangoy kaya sila nalunod," ani SPO4 Roldan Razonable, deputy chief ng Santa Catalina Police Station.

ADVERTISEMENT
Mahigit walong talampakan ang lalim ng ginagawang palaisdaan.

Itinakbo sa ospital ang magkaibigan ngunit idineklarang dead on arrival.

Labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng mga biktima sa biglaang pagkamatay ng dalawang bata.

Wala umano silang sinisisi sa insidente pero hiling nila na malagyan na ng warning post at bakod ang ginagawang palaisdaan para hindi maulit ang nangyari.