2 emission testing staff na umano'y fixers, arestado sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 emission testing staff na umano'y fixers, arestado sa Parañaque

ABS-CBN News
Published Oct 24, 2021 11:26 AM PHT

Arestado ang dalawang empleyado ng isang emission testing center sa Parañaque dahil sa pag-alok umano ng "sure pass" para sa renewal ng vehicle registration sa Land Transportation Office.

Nagkasa ng entrapment operation ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga babaeng suspek noong Biyernes matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa umano'y ilegal na gawain.

Napag-alaman ng ARTA na ang modus ng mga suspek ay mag-alok ng emission testing pero kapag nag-inquire na ang aplikante, mag-aalok din sila ng non-appearance LTO vehicle registration renewal service.

Nagpanggap ang operatiba ng mga awtoriadad na magpapa-renew ng rehistro ng motorsiklo at nagbayad ng P1,830. Matapos ang ilang araw, binigay na sa kaniya ang kumpletong renewal documents kahit hindi pa niya nadadala ang motorsiklo sa LTO Parañaque, na isa dapat na requirement.

Nakumpiska ng CIDG sa emission testing center ang nasa 205 na mga processed motor vehicle registration renewal, 15 insurance policy, at 46 official receipts na sinasabing authentic o totoong resibo ng LTO.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, iniimbestigahan na ng kanilang ahensiya ang naturang emission testing center at naghain na rin ng show-cause order sa pinuno ng LTO Parañaque para magpaliwanag ukol sa nangyari.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Parañaque
krimen
fixer
emission testing center
vehicle registration
Land Transportation Office
Anti-Red Tape Authority
Criminal Investigation and Detection Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT