Vatican, pinalawig sa buong Nobyembre paghiling ng plenary indulgence para sa yumao
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vatican, pinalawig sa buong Nobyembre paghiling ng plenary indulgence para sa yumao
ABS-CBN News
Published Oct 24, 2020 09:45 AM PHT

MAYNILA— Pinalawig ng Vatican ang paghiling ng plenary indulgence para sa mga yumaong mahal sa buhay sa buong buwan ng Nobyembre, imbes na sa unang linggo lamang.

Ito'y sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic, kung saan naglatag ng mga limitasyon sa pagbisita sa mga sementeryo. Pinayagan na rin ng Vatican ang pagdarasal para sa plenary indulgence kahit hindi pisikal na pumunta sa mga libingan.

Ayon sa Vatican News, Biyernes nang inilabas ng Apostolic Penitentiary, sa hudyat ni Pope Francis, ang ilang pagbabago sa nakaugaliang tradisyon tuwing Undas kung saan ipinapanalangin ang pagpapatawad sa mga sala ng yumao na nasa purgatoryo.

Ang naturang decree na naglalaman ng mga modipikasyon ay nalagdaan noong Okt. 22.
Ang naturang decree na naglalaman ng mga modipikasyon ay nalagdaan noong Okt. 22.
ADVERTISEMENT
"This year, the indulgence can be obtained by anyone who visits a cemetery, even if only mentally, on any day in November, and devoutly prays for the faithful departed," ayon sa dekreto.

Ito ay bilang tugon sa hiling ng mga taong Simbahan na magkaroon ng pagbabago sa mga kinakailangan para makakuha ng plenary indulgence para sa mga sumakabilang buhay bunsod ng patuloy na banta ng COVID-19.

Dahil sa pandemya, ipinagbabawal ang malalaking pagtitipon-tipon sa mga sementeryo o simbahan, at marami pa rin ang nananatili lamang sa kanilang mga bahay.

Dati ay maikli lamang ang panahon kung saan maaaring humiling ng plenary indulgence tuwing Undas: mula Nob. 1 hanggang 8.

Sa tradisyon, ang isang Katoliko na gustong manalangin para sa plenary indulgence ay dapat "completely detached from sin," mangumpisal, magkomunyon, at ipanalangin ang mga intensyon ng Santo Papa.

Kung hihilingin ito para sa yumaong mahal sa buhay, kailangang bumisita sa sementeryo at manalangin para sa kanila sa mga naturang araw.

Sa inilabas na dekreto, maaari nang humiling ng plenary indulgence sa anumang araw ng nasabing buwan na napili ng mananampalataya, at hindi na kailangan ang pisikal na pagbisita sa sementeryo.

“In this case, the indulgence is obtained by “devoutly visiting a church or an oratory,” along with the recitation of the Our Father and the Creed, and the other requirements associated with a Plenary Indulgence," ayon sa ulat.

Para sa hindi makalabas ng kanilang mga tahanan dahil sa COVID-19 o anupamang kadahilanan, maari rin silang makakuha ng plenary indulgence sa pamamagitan ng pakikiisa spiritually sa iba pang mga mananampalataya.

Ayon sa dekreto, maaaring gawin ang panalangin sa harap ng imahe ni Hesus o ni Birheng Maria.
Ayon sa dekreto, maaaring gawin ang panalangin sa harap ng imahe ni Hesus o ni Birheng Maria.
ADVERTISEMENT
Kabilang naman sa mga dasal na inirerekomenda ng Vatican ay ang “prayers for the deceased, Morning or Evening Prayer from the Office of the Dead, the Rosary, the Divine Mercy Chaplet, meditating on various Gospel passages proposed for the liturgy of the Dead, or completing a work of mercy by offering to God the suffering and discomforts of one’s own life.”

Hiling naman ng decree sa mga pari na magsagawa ng misa nang tatlong beses sa All Souls’ Day.

Sa Pilipinas, milyon-milyong katao ang nakaugaliang bumisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa panahon ng Undas.

Pero dahil sa pandemya, ipinasya munang pansamantalang isarado ang mga libingan at kolumbaryo mula Okt. 29 hanggang Nob. 4 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nitong Biyernes, umabot na sa 365,799 ang tala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 46,193 ay aktibong kaso.

May 312,691 naman na gumaling at habang ang bilang ng mga nasawi ay umabot na sa 6,915.

Read More:
Vatican
Plenary Indulgence for the dead
Church
Catholic
Religion
Undas
All Souls' Day
All Saints' Day
sementeryo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT