Mga mangingisda, naghahanda nang pumalaot sa West PH Sea | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga mangingisda, naghahanda nang pumalaot sa West PH Sea

Edward Quinto,
ABS-CBN News
Published Oct 24, 2016 04:15 PM PHT

PANGASINAN - Naghahanda nang pumalot muli sa Scarborough Shoal ang ilang mga mangingisda mula sa Barangay Cato sa bayan ng Infanta, Pangasinan.

Nagsimula nang mag-ayos ng kanilang mga bangka ang mga mangingisda matapos masira ng nagdaang bagyong Karen at Lawin.

Sinisiguro nilang nasa maayos na kundisyon ang makina ng kanilang mga bangka, lalo na't magandang balita sa kanila na ano mang oras ay papayagan na silang makapangisda sa Scarborough Shoal, isa sa mga teritoryong nasa West Philippine Sea.

Ayon kay Ronelo Garcia, pitong buwan na ang nakakalipas nang huli silang pumunta sa Scarborough Shoal. Noong panahong iyon, itinaboy sila papalayo ng mga Chinese Coast Guard sa pamamagitan ng water cannon.

Dagdag pa ng mga kasamahan ni Garcia, malaking tulong sa kanila ang muling makapangisda sa West Philippine Sea, na sagana sa yamang-dagat at malalaking isda.

Sa ngayon, may mga nauna nang sumubok pumalaot sa Scarborough Shoal sa pag-asang malaya na silang makakapangisda dito.

Noong nakaraang linggo ay bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa China. Bagama't hindi napag-usapan ang tungkol sa isyu ng mga teritoryo sa South China Sea ay lumagda naman sa iba't ibang kasunduan ang dalawang bansa.