Presyo ng bulaklak sa Dangwa inaasahang tataas bago ang Undas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng bulaklak sa Dangwa inaasahang tataas bago ang Undas

Presyo ng bulaklak sa Dangwa inaasahang tataas bago ang Undas

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 23, 2022 07:00 PM PHT

Clipboard

Presyo ng bulaklak sa Dangwa inaasahang tataas bago ang Undas

Inaasahang tataas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila sa mga susunod na araw, habang papalapit ang Undas, sabi ngayong Linggo ng mga nagtitinda.

Ayon sa mga nagtitinda, pagpatak ng Martes (Oktubre 25) hanggang bisperas ng Undas, posibleng tumaas ang presyo ng bulaklak dahil sa madalang na supply na galing sa ibang bansa.

"Madadagdagan ng P20 or P30 kumporme sa dating," ani Nene Pamulaklakin.

"Medyo hirap dating ng bulaklak kasi 'yong galing ibang bansa, mahirap 'yong supply," ani Jhunred Salas.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Sa ngayon, narito ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa:

  • Malaysian mums - P150 kada bundle
  • Carnation - P220 kada 10 stem
  • Casablanca - P150 kada stem
  • Stargazer - P150 kada stem
  • Sunflower - P120 kada stem
  • Red roses - P250 kada dosena
  • White roses - P250 kada dosena
  • Ecuadorian roses - P150 kada stem
  • Tulips - P90 kada stem

Para sa may mga extra panggastos, mayroon din umanong P550 hanggang P1,000 na flower arrangement na gawa sa orchids at Malaysian mums.

Pagdating naman sa kandila, naglalaro sa P90 hanggang P150 ang 4 na piraso kada pack. Nasa P185 naman ang 20 piraso ng small-size candle.

Naglalaro naman sa P185 hanggang P365 ang kandilang nasa baso.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.