Pinoy runners sumabak sa Marathon de Paris | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy runners sumabak sa Marathon de Paris

Bong Agustinez | TFC News France
Published Oct 23, 2021 04:12 PM PHT
|
Updated Oct 23, 2021 05:10 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
PARIS - Kasama ang ilang Pinoy sa mahigit 30,000 marathoners mula sa iba-ibang panig ng mundo na sumabak sa Marathon de Paris 2021 nitong October 17.

Bago pa sumisilip ang araw, dagsa na ang marathoners sa Arc de Triomphe. Mahigpit ang safety protocol, naka-face mask habang naghihintay, pero hinubad na nila ito nang nagsimula ang marathon.

Umabot sa 42.195 kilometro ang distansya ng marathon. Nagsimula sa Champs Elysees, Place dela Bastille, Bois de Boulogne, Eiffel tower, Notre Dame.

Dumaan sa Louve, Musee d' Orsay at iba pang iconic landmarks sa Paris at nagtatapos sa Avenue Foch. Ito raw ang golden run ni Jay Cubacub at iba pang 50-taong gulang na sumabak rin sa pamosong marathon.

“Sakto po ngayon kaarawan ko nung 14 October. Sakto 50 years old na ako. Ita -try ko po ulit kung kaya ko pang kapasidad na tumakbo,” sabi ni Jay Cubacub, marathoner.
“Salamat at lumuwag na dito sa Paris, puwede na ngayon sumali sa competition--ang 50 years old na tumatakbo pa rin. Mabuhay ang mga Pilipino sa Paris,” sabi ni Ernesto Arcansalin, marathoner.

“Nararamdaman ko ngayon relax lang, fun run, good to health ngayon. Mas maluwag na ngayon sa Paris marami ngayon racing na events,” saad ni Joel Holgado, marathoner.

Si Michael Ferrera na COVID-19 survivor lumipad sa Paris mula New York para makasali sa marathon.

“This is to beat COVID, like we trying to get back on our feet running to open everything. So beat COVID everyone,” sabi naman ni Michael Ferrera, taga-New York, USA.

“Ginagawa naming sports ito para at least maging healthy. Kailangan talaga namin especially this period of pandemic. So we need to be healthy,” sabi ni Robert Casem, dumayo sa Paris.

May mga galing din sa Pilipinas.
May mga galing din sa Pilipinas.
“Mabuhay Pilipinas, hello po, masaya,” sabi ni Jessica Flores, taga-Davao tungkol sa kanyang nararamdaman.

“Thank you so much we are so happy and blessed to run with my wife,” sabi Benny Flores, taga-Davao.

“Sobra excited po daming tao now that running is back again,” sabi ni Atty. Camille Aromas, marathoner mula Nueva Ecija.

At hindi lang takbuhan ang highlight ng marathon dahil may mga agaw eksena rin, tulad ng makukulay na kasuotan. May nag-marriage proposal sa gitna ng marathon.

Nagtala naman ng bagong record ang elite runners na sina Elisha Rotich ng Kenya na may marathon record na 2 hours, 4 minutes at 8 seconds. Pinataob ni Rotich ang dating record ni Kenenisa Bekele noong 2014.

Sa women’s category, nanguna si Tigist Memuye ng Ethiopia sa record na 2 hours, 26 minutes at 11 seconds.

Proud din ang mga lumahok na Pilipino sa kanilang record sa marathon. Iba-ibang emosyon ang nararamdaman ng mga lumahok sa Marathon de Paris. Marami ang inalay ang pagtakbo para sa kalusugan, sa pamilya at sa mga lumalaban sa hagupit ng pandemya.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT