Mga labi ni dating senador Nene Pimentel dumating na sa Cagayan de Oro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga labi ni dating senador Nene Pimentel dumating na sa Cagayan de Oro

Angelo Andrade,
ABS-CBN News
Published Oct 23, 2019 08:04 PM PHT

CAGAYAN DE ORO CITY - Dumating na sa Cagayan de Oro City ang mga labi ni dating Senate President Aquilino "Nene" Pimentel Jr. Miyerkoles.

Pasado alas-4 ng hapon dumating sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental ang mga labi ni Pimentel sakay ng eroplano ng Philippine Air Force.

Sinalubong ito ng mga opisyal ng Cagayan de Oro sa pangunguna ni Mayor Oscar Moreno na suot pa ang mga itim na arm bands.

Inalayan din ang dating pinuno ng Senado ng military honors.
Inalayan din ang dating pinuno ng Senado ng military honors.
ADVERTISEMENT
Ilalagak ang kaniyang mga labi sa Tourism Hall ng Cagayan de Oro kung saan magaganap ang public viewing at funeral service hanggang Huwebes.

Biyernes ng madaling araw dadalhin ito sa St. Augustine Cathedral kung saan isang misa ang magaganap bago ito ibalik sa Maynila.

Naging alkalde ng lungsod si Pimentel mula 1980 hanggang 1984.

Pumanaw si Pimentel noong Linggo sa edad na 85 matapos maospital dahil sa pneumonia.