'Wala nang pangkabuhayan': Mga magsasaka sa Lopez, Quezon naging bangkero muna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Wala nang pangkabuhayan': Mga magsasaka sa Lopez, Quezon naging bangkero muna

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Oct 22, 2020 11:38 AM PHT

MAYNILA - Nalubog sa baha ang ekta-ektaryang taniman ng palay ng mga magsasaka sa bayan ng Lopez sa Quezon bunsod ng pag-ulang dulot ng bagyong Pepito.

Hindi na mapapakinabangan pa ng mga magsasaka ang mga palay na dapat sanang aanihin nila ngayong katapusan ng buwan.

Para maitawid ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya, marami sa mga magsasaka ang nagsisilbi ngayong bangkero na naghahatid ng mga stranded na pasahero sa kabilang dulo ng binahang Maharklika Highway.

“Wala po kaming pangkabuhayan na, nilubog na po kaya po kami gumawa ng paraan para kami mabuhay dito,” sabi ni Alejandro, isang magsasakang naging pansamantalang bangkero.

Humiling din sila ng tulong pinansiyal para may pambili umano ng kanilang pagkain.

“Yun po hinihingi namin sa gobyerno na magkameron ng konting relief dito para sa lahat makatulong,” sabi ni Alejandro.

Nasa P50 ang bayad ng bawat taong itatawid nila at P100 naman kung magsasakay ng motorsiklo sa bangka.

Isa pang nagiging problema dahil sa tagal nang pagkakatengga sa highway ay nagkakamatayan na ang mga baboy at ang mga gulay naman ay naguumpisa na ring mabulok.