3 barangay sa Alcala, Cagayan lubog pa rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 barangay sa Alcala, Cagayan lubog pa rin

3 barangay sa Alcala, Cagayan lubog pa rin

Dennis Datu,

DZMM

Clipboard

CAGAYAN – Tatlong barangay sa bayan ng Alcala sa lalawigan ng Cagayan ang nagmistulang mga isla matapos na umapaw ang Cagayan River bunsod ng bagyong "Lawin".

Hindi pa rin maabot ang mga barangay ng Afusing Bato, Pagbankeruan at Damurog Sabado ng umaga, at dahil sa pag-apaw ng tubig, ang mga residente doon ay hindi rin makaalis para bumili ng pagkain.

Nakapaghatid naman ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente na hindi makalabas ng kani-kanilang mga bahay dahil sa malakas na agos ng tubig.

Sa Afusing Bato, may mga 118 pamilya na apektado ng paglaki ng tubig, habang 269 naman ang apektado sa Damurog, at 127 sa Pagbankeruan.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Mayor Criselda Antonio, nangangailangan pa ang kanilang mga residente ng karagdagang ayuda.

"Nanawagan kami for relief kasi in terms of damages we could say nasa 60-70 percent ang damages sa buong munisipyo namin," sabi ni Antonio.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.