'Sekyu' P10M ang net worth? Ilang taga-Immigration iniimbestigahan ng NBI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Sekyu' P10M ang net worth? Ilang taga-Immigration iniimbestigahan ng NBI

ABS-CBN News
Published Oct 21, 2020 08:23 PM PHT

MAYNILA — Muling ipatatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilan sa mga taga-Bureau of Immigration (BI) na dawit sa tinaguriang "pastillas scam" kung saan pinagbabayad ang mga Chinese ng "lagay" para makapasok sila sa bansa.

Lumalabas kasi sa kanilang lifestyle check na hindi nagtutugma ang sahod ng mga naturang empleyado sa kanilang yaman.

Sa surveillance video ng NBI special action unit sa pagpupulong ng mga empleyado at senior officials ng BI na iniimbestigahan dahil sa pastillas scam, makikita ang magkakasunod nilang pagpunta sa parking area.

Ang mga kotse nila ay sports utility vehicles. Ang iba naman, mga sports car at luxury vehicles ang sasakyan.
Ang mga kotse nila ay sports utility vehicles. Ang iba naman, mga sports car at luxury vehicles ang sasakyan.
ADVERTISEMENT
Napansin din ng NBI sa kanilang travel records ang halos buwan-buwan ang out of town trips ng ilan sa kanila.

Sa statement of assets, liabilities, and net worth ng isang opisyal na may sahod na mahigit P32,000 kada buwan, may net worth siya na P27.9 milyon.

"Kung basic salary ang source, hindi malinaw. Siguro baka may negosyo pero dapat nakadeklara sa SALN, lalo na kung sa pamilya," ani Emeterio Dongallo, chief ng NBI special action unit.

Isa rin sa inimbestigahan ng NBI ay isang chief of staff na may item na security guard na sumasahod ng mahigit P14,000.

Pero ang kanyang net worth, tumataginting na higit P10 milyon.

Ayon sa NBI, may net worth na P3.9 milyon noong 2015 ang naturang opisyal. Pero nung sumunod na taon, lumobo ito sa P10.2 milyon. Ito rin ang taon kung saan nagsimula ang paglobo ng POGO industry sa bansa.

"'Pag ikukumpuara sa basic salary hindi maipaliwanag, ito ang matatawag na unexplained wealth... Masyado ang nilaki ng pag-aari ng isang empleyado. Kaya ba niyang ma-justify 'yung paglaki ng P7 milyon sa isang taon?" sabi ni Dongallo.

Ayon sa Immigration officer na naging whistleblower na si Jeffrey Dale Ignacio, hindi nasisita ng BI kung tama ba ang dinedeklara ng mga empleyado sa kanilang SALN.

"Ang ginagawa nila, kung hindi nila dinedeklara, pinapangalan nila 'yung property sa mga kaanak nila. Pero sa kanila talaga yon," sabi ni Ignacio.

Ayon naman sa BI, inaayos na nila ang kanilang sistema para mapadalas ang mga lifestyle check.

"We have reconstituted our board of discipline and we are making changes so we can check what they are declaring," ani BI spokeswoman Dana Sandoval.

—Mula sa ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV Patrol TOP
NBI
National Bureau of Investigation
pastillas scam
pastillas modus
Bureau of Immigration
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT