Mga magsasakang makikipagdayalogo sa DA, hinarang ng pulisya sa Quezon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga magsasakang makikipagdayalogo sa DA, hinarang ng pulisya sa Quezon

Mga magsasakang makikipagdayalogo sa DA, hinarang ng pulisya sa Quezon

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 20, 2022 02:22 PM PHT

Clipboard

Retrato mula Karapatan Southern Tagalog
Retrato mula Karapatan Southern Tagalog

Hinarang ngayong Huwebes ng mga pulis sa Tiaong, Quezon ang grupo ng mga magsasakang patungo sa Department of Agriculture (DA) office sa Quezon City para dumalo sa isang dayalogo.

Ayon kay Orly Marcellana, secretary general ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan, galing Lucena City ang van sakay ang nasa 11 magsasaka.

Kasama rito si Felizardo "Sarding" Repaso, isang lider-magsasaka at tagapagsalia ng mga grupong Pinagkaisang Lakas ng mga Magbubukid sa (PIGLAS) Quezon at Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM) Quezon.

Pero pagdating sa bayan ng Candelaria ay hinarang umano ang mga ito sa isang police checkpoint at hinanapan ang mga sakay ng vaccination card.

ADVERTISEMENT

Pero sa hindi malamang dahilan ay pinatakbo ng driver ang van kaya naharang ulit ang grupo sa may Tiaong.

Nasa 4 oras din umanong pinigil ang mga magsasaka sa Tiaong, kung saan may dumating pang mga sundalong sakay ng military truck.

Sinisisi naman ng grupo ang driver ng van na tila umano gustong ipahamak ang kaniyang mga sakay.

Makaraan ang ang halos 4 na oras, nakaalis ang mga magsasaka na nag-commute na lang patungo sa tanggapan ng DA.

Naniniwala ang grupo na ang nangyari ay isang insidente ng pangha-harass ng pulisya at militar sa kanila.

Ayon sa Karapatan Southern Tagalog, matagal nang nakakaranas ng pagbabanta, harassment at red-tagging si Repaso mula sa mga government official.

Ang grupo ay makikipagdayalogo sa tanggapan ng DA upang idaing ang mga kahirapang dinaranas ng mga magsasaka dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo sa merkado ng kanilang mga ani, partikular ang kopra at palay.

— Ulat ni Ronilo Dagos

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.