ALAMIN: Ano ang bivalent vaccines kontra COVID-19? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang bivalent vaccines kontra COVID-19?

ALAMIN: Ano ang bivalent vaccines kontra COVID-19?

ABS-CBN News

Clipboard

Ang monovalent COVID-19 vaccine na kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas ay nagtataglay ng pinakaunang strain ng virus noong 2019 na mula Wuhan, China.

Sa pag-mutate ng virus, nanatiling epektibo ang naturang bakuna laban sa alpha, beta at delta variant.

Pero nang magsimulang kumalat ang omicron variant sa buong mundo sa huling bahagi ng 2021, bumaba ang antas ng proteksiyon laban sa pagkakahawa. Ang nananatili lang ay proteksiyon laban sa malalang uri ng sakit.

Dahil dito, agad pinag-aralan ng Pfizer at Moderna ang posibilidad ng bivalent COVID-19 vaccines.

ADVERTISEMENT

Kung dati ay spike protein lang ng orihinal na strain ng SARS-CoV-2 ang nasa bakuna, sa bivalent vaccine ay kasama na rin ang spike protein ng omicron subvariant.

"That's why it's bivalent because you have the spike protein of the original Wuhan and the spike protein of the subvariant of omicron," paliwanag ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante.

Nangangahulugang ang bivalent vaccines ay nagdudulot ng proteksiyon laban sa kasalukuyang variant at subvariant ng SARS-CoV-2.

Sa Pilipinas, wala pang emergency use authorization ang bivalent vaccines kaya ang monovalent vaccines pa rin ang tinatanggap ng mga tao.

Ayon sa World Health Organization, nananatiling public health emergency of international concern ang COVID-19, lalo pa't nakikitang mas nakakahawa ang XBB subvariant.

"This recombinant has a significant growth advantage. All of the subvariants of Omicron are showing increased transmissibility and properties of immune escape," ani Dr. Maria Van Kerkhove, WHO technical lead for COVID-19.

Dahil nasa Amerika, sinamantala ni Solante ang pagkakataong magpaturok ng bivalent vaccine. Wala aniya siyang ibang naramdaman bukod sa pagbigat ng braso.

Para kay Solante, ang bivalent vaccine ang dapat maging ikatlong booster ng vulnerable population at second booster ng general population.

Sa ngayon, nasa 73.4 milyong Pilipino ang maituturing na fully vaccinated laban sa COVID-19 habang higit 20 milyon naman ang may first booster.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.