Paninita sa harap ng pagpayag na lumabas ang mga bata sa NCR, paiigtingin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paninita sa harap ng pagpayag na lumabas ang mga bata sa NCR, paiigtingin

ABS-CBN News
Published Oct 20, 2021 06:50 PM PHT

MAYNILA - Planong paigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority ang paninita sa mga lumalabag sa health protocols, ngayong pinapayagan nang lumabas ang mga bata kahit tuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

"Maraming magpapatupad. It could be yung ating barangay, siguro maging yung ating traffic enforcers. Pwede pong sitahin ang mga bata para na rin po sa proteksyon nila ito. Hindi puwedeng kumalat o maglakwatsa ang mga bata nang sila-sila lang," ani MMDA chairman Benhur Abalos Jr.

Matatandaang sa isang malaking mall sa Paranaque ay makikita ang paglalaro ng mga bata sa playground, bagama't iginigiit na bawal pa pumasok sa mga mall ang mga ito.

Nilinaw ng mall na outdoor ang lugar, na ayon sa pandemic task force ay puwede naman talaga.

ADVERTISEMENT
"Mukhang outdoor naman. Dire-deretso ang hangin. Importante lang dito, sana, may nagpupulis para may social distance. And of course, dapat kasama ang mga magulang or guardian," ani Abalos patungkol sa video.

Nilinaw din ng lokal na pamahalaan na pinapayagan sa outdoor na playground ang mga menor de edad.

Samantala, nasa 9,190 ang hinuli sa unang apat na araw ng bagong alert level, na mas mababa sa higit 10,000 average na bilang ng violators noong Alert Level 4, ayon kay Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar.

Karamihan sa mga nahuhuli, o 73 porsyenbto, ay lumabag sa protocols, habang 26 porsiyento ang nahuhuli sa curfew. Isang porsiyento naman sa ibang mga kadahilanan.

Umaasa naman ang mga opisyal na kasabay ng pagbaba sa alert level ay lalong paiigtingin ang pagsunod sa health protocol ng publiko.

-- Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
NCR
Alert Level 3
MMDA
Metropolitan Manila Development Authority
kids
children
COVID-19
coronavirus
minors
menor de edad
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT